^

PSN Palaro

Kauna-unahang ginto sinungkit ng Bicolana

-
KORONADAL City — Isang anak ng magsasaka mula sa Bicol ang sumungkit ng kauna-unahang gintong medalya habang patuloy ang pananalasa naman ng defending champion National Capital Region sa kanilang magandang panimula sa Day 1 ng 2007 Palarong Pambansa sa South Cotabato Sports Complex dito.

Nagsimula na ring sumingaw ang pandaraya sa edad dito nang pitong rehiyon kabilang na ang NCR, Central Visayas at host Cotabato Region ang nagsampa ng protesta sa isang lawn tennis player mula sa Western Visayas na overage na daw.

Ang reklamo ang nag-atas sa Department of Education para isailalim ang naturang manlalaro sa medical at dental test para maipruweba na walang nilabag sa 13 year old age limit sa elementary level.

Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Cornelio Pacala, na namamahala ng screening committee dahil sa umano’y kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Pumukol ng 36.83m si Aiza Rosaro, na lumaki sa bukid ng Buya, Goa, Camarines Sur, upang masungkit ang unang ginto sa javelin throw ng taunang multi-sports meet na ito para sa elementary at secondary students. Ito rin ang ikalawa niyang ginto sapul nang dominahin niya ang 2006 Naga edition.

"Masaya ako at nanalo ako dito," ani Rosero, isang 17-year-old graduate ng Camarines Sur Academy.

At nagawa niya ito kahit na medyo malakas ang hangin sa umaga sa mainit na Southern city na ito na kilala sa vastagri-cultural land kung saan marami ang nagrereklamo ng sobrang init lalo na’t nabalitaan pa ang isang namatay na punongguro dahil sa heat stroke.

"The wind was really strong but I didn’t let it affect my performance," dagdag niya.

Isinubi naman nina Josie Entrina at Sharmaine Joy Bucaling ang silver at bronze medal sa kanilang ibinatong 35.85m at 34.84, ayon sa pagkakasunod.

Humataw din ang NCR sa athletics at salamat sa tagumpay nina Ronjay Abing at Mark Cabuga.

Naghari si Abing sa secondary javelin habang si Cabuga sa elementary triple jump.

Pumukaw din ng pansin si Radjeev Tahil ng Zamboanga nang tumalon ito ng ginto sa secondary triple jump sa distansiyang 14m. Pumangalawa naman sina Eliseo Santos ng Cagayan Valley at Dindo Torres ng Cotabato sa kanilang naitalang 13.29 at 13.28, ayon sa pagkakasunod.

Nagrehistro naman si Cabuga ng 11.29m upang makuha ang gold at maungusan sina Melmar Atam (10.97) ng Cotabato Region at Mark Angelo Pusadas (10.81).

Sa iba pang event, tinalo ng Big City ang Western Visayas sa 25-15, 25-15, sa volleyball at nanaig sa softball kontra sa nagdadalamhating MIMAROPA, 1-0.

Ang NCR, kinatawan ng reigning NCAA champion San Beda College ay nagwagi din sa basketball event habang nagnakaw ng eksena ang Western Visayas nang masungkit ng taga-Bacolod na si Maika de Oro ang gold sa elementary javelin gold sa ibinatong 9.58, at maungusan sina Kerima Jane Narciso (9.21) ng Ilocos at Rizza Pagal (8.59) ng Cotabato.

"I expected to win here," anang 12-year-old na si de Oro, na nais maging hardinero tulad ng kanyang amang si Manuel, dahil mahilig ito sa mga halaman.

Wala pa ring talo sa basketball ang CARAGA, na sumorpresa sa runner-up noong nakaraang taon na Western Visayas, 77-69, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo. (Joey Villar)

AIZA ROSARO

BIG CITY

CABUGA

CAGAYAN VALLEY

CAMARINES SUR

COTABATO REGION

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with