Bagamat natapos ng one-sided ang final score, nagpakita ng magandang laban si De Luna sa opening stages, makaraang kunin ng relaks at kumpiyansang Pinoy ang unang rack.
At upang mapanatiling buhay ang pag-asa, kailangang magwagi ni De Luna sa makakalabang si Dharminder Singh Lily para makausad sa quarterfinals.
Sa ibang pang laban habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagsarguhan si Denis Orcollo laban kay Indonesian Siaw Wieto habang nakikipagtumbukan naman si Lee Van Corteza sa isa pang Indon na si Muhammad Zulfikri.
Naghihintay naman ng laban si Ronato Alcano kung saan makakaharap niya sa unang laban si Malaysian bet Patrick Ooi.
Dating Asian 9-Ball Tour, ang Guinness 9-Ball tour ay mas pinalaki at mas pinaganda para sa mga players sa pakikipagtambalan ng ESPN Star Sports at Guinness. Umaabot sa $320,000 (mula sa dating $160,000) ang premyo na ang grand final ay itatanghal sa Bali para sa top 10. Ang mga magwawagi sa bawat leg ay tatanggap naman ng $15,000 at ang Grand final champion naman ay $36,000. Bukod sa premyo kuwalipikado na rin sa World Pool Championship sa Nobyembre sa Manila ang top 10 na magtatapos.