Pumukol nang magka-kahiwalay na hits si pit-cher Rogelio Rojas upang itala ng HPL-UPL Laguna Stars ang kanilang ikat-long panalo sa walang bahid na talo upang ma-ging solo leader sa group B.
Bumanat naman sina Don Aranzanso, Resty Liwawas, Alvin Peralta at Willy Estipular ng apat na sunod-sunod na hits upang maka-score ng run sa unang inning pa lang.
Nagdagdag pa ng tat-long run sa ikatlong inning ang mga taga Laguna at isa sa 4th inning upang makumpleto ang kanilang 7-run ng matapos ang labanan.
Ipinakita ni Marlon Pagkaliwagan ang kan-yang husay nang pada-pain niya ang magkapatid na Ronilon at Rey, na kan-yang tiyuhin, upang talunin ng RTU ang nagta-tanggol ng koronang Pasig, 5-2.
Una dito, binugbog naman ng Taguig ang wala pang panalo na Indonesia, 10-3, at itinala naman ng H &B Cebu ang kanilang ikalawang pa-nalo sa gayun din bilang ng laro ng padapain nila ang Cainta, 11-3.
Sa Marikina ground naman kung saan gina-ganap ang women’s soft-ball, humataw ng solo homerun sa huling inning si catcher Loverlyn Maganda, miyembro ng Blu Girls na siyang naging kalamangan ng UAAP champion Adamson U sa 7-6 panalo ng Lady Falcons sa UST Tigress, 7-6.
Sa iba pang laro sa softball, ginulantang ng De La Salle Lady Archers ang UP Lady Maroons sa pa-mamagitan ng 6-2 panalo ng Lady Archers.
Dahil sa kanilang panalo , ang Lady Archers at ang UST ay magka-sama sa ikalawang pu-westo na may 2-1 panalo-talo karta sa likod ng solo leader na Adamson U na may 3-0 karta.
Sa isa pang laro, hindi na kinailangan humatak pa ng bat ang RTU ng itala ang 7-0 panalo kontra Softbelle Inc. sa dahilan ang huli ay natalo via default. (Adela Cruz)