^

PSN Palaro

Taguig yuko sa Laguna Star

-
Pasig City - Tatlong run sa unang inning ay sapat na para manalo ang Laguna Star, na may buong suporta sa HPL-UPL, 7-0 kontra sa Taguig kahapon sa pagpapatuloy ng National Open Men & Women’s Softball Cham-pionships na ginaganap sa Rosario Sports Com-plex dito.     

Pumukol nang magka-kahiwalay na hits si pit-cher Rogelio Rojas upang itala ng HPL-UPL Laguna Stars ang kanilang ikat-long panalo sa walang bahid na talo upang ma-ging solo leader sa group B.     

Bumanat naman sina Don Aranzanso, Resty Liwawas, Alvin Peralta at Willy Estipular ng apat na sunod-sunod na hits upang maka-score ng run sa unang inning pa lang.    

Nagdagdag pa ng tat-long run sa ikatlong inning ang mga taga Laguna at isa sa 4th inning upang makumpleto ang kanilang 7-run ng matapos ang labanan.    

Ipinakita ni Marlon Pagkaliwagan ang kan-yang husay nang pada-pain niya ang magkapatid na Ronilon at Rey, na kan-yang tiyuhin, upang talunin ng RTU ang nagta-tanggol ng koronang Pasig, 5-2.    

Una dito, binugbog naman ng Taguig ang wala pang panalo na Indonesia, 10-3, at itinala naman ng H &B Cebu ang kanilang ikalawang pa-nalo sa gayun din bilang ng laro ng padapain nila ang Cainta, 11-3.   

Sa Marikina ground naman kung saan gina-ganap ang women’s soft-ball, humataw ng solo homerun sa huling inning si catcher Loverlyn Maganda, miyembro ng Blu Girls na siyang naging kalamangan ng UAAP champion Adamson U sa 7-6 panalo ng Lady Falcons sa UST Tigress, 7-6.   

Sa iba pang laro sa softball, ginulantang ng De La Salle Lady Archers ang UP Lady Maroons sa pa-mamagitan ng 6-2 panalo ng Lady Archers.    

Dahil sa kanilang panalo , ang Lady Archers at ang UST ay magka-sama sa ikalawang pu-westo na may 2-1 panalo-talo karta sa likod ng solo leader na Adamson U na may 3-0 karta.   

Sa isa pang laro, hindi na kinailangan humatak pa ng bat ang RTU ng itala ang 7-0 panalo kontra Softbelle Inc. sa dahilan ang huli ay natalo via default. (Adela Cruz)

vuukle comment

ADAMSON U

ADELA CRUZ

ALVIN PERALTA

B CEBU

BLU GIRLS

LADY ARCHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with