Corteza at 3 pang Pinoy sa Guinness 9-Ball Tour
April 20, 2007 | 12:00am
Babanderahan ni BSCP National Pool champion Lee Van Corteza ang apat na Pinoy na kakatawan sa bansa sa Guinness 9-Ball Tour ngayong Biyernes (Abril 20) na gaganapin sa Sultan Hotel sa Jakarta, Indonesia.
Ang iba pang makakasama ni Corteza ay sina double world champion (9-ball and 8-ball) Ronato Alcano, Dennis Orcollo, 2006 World Pool League champion at Jeffrey de Luna, silver medalist sa 2006 Doha Asian Games 9-ball competition.
Dinomina ng mga Pinoy players ang naturang tour na dating itinataguyod ng San Miguel Beer. Ito’y sina Efren "Bata" Reyes (two events), Rodolfo "Boy Sam-son" Luat at Ramil "Bebeng" Gallego na tig isa.
Hindi makakasama sina Reyes at dating world no.1 Francisco "Django" Bustamante sa Asian 9-ball tour ngayong taon kung saan ang dalawang Filipino cue icon ay brand endorser ng San Miguel Beer, direct competitor ng Guinness, Iris stout beer, ang bagong sponsor ng Asian 9-ball tour na magsi-silbing qualifying round sa November’s World Pool Championships sa Manila.
"Magandang exposure ito para sa World Pool Championships, pangarap ko kasing mag champ sa WPC, sabagay kahit sino mang Filipino ay ‘yun ang dream nila." Sabi ng 28-years-old top player ng Negros Billiard Stable (NBS), na four Gold Medals at one Silver Medal sa Southeast Asian Games, at winner ng 2004 Asian 9-ball Tour tournament sa Manila matapos makaungos sa kaba-bayang si Francisco "Django" Bus-tamante 13-11 sa final.
Ang Guinness Tour ay magbibigay ng kabuuang premyo na $320,000. Mag-uuwi naman ng tig US$15,000 ang bawat leg winner habang sa Grand Final Champion ay $36,000. May anim na leg na patutunguhan at ang Grand Championship Final ay August 31 sa Sept. 2 sa Bali, Indonesia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended