Sasabak sa magka-hiwalay na kalaban ang Gin Kings at Aces sa pag-usad ngayon ng classi-fication round ng Talk N Text PBA Fiesta Confe-rence na magpapatuloy sa Araneta Coliseum.
Sa pampaganang laban, makakasagupa ng Ginebra ang Coca-Cola sa alas-4:35 ng hapon at sa ikalawang laro, mag-lalaban naman ang Alaska at Talk N Text sa alas-7:20 ng gabi.
Taglay ng Gin Kings at Aces ang magkatulad na 7-2 win-loss slate ngunit di nakakalayo sa kanilang paningin ang Red Bull na nangunguna sa 8-2 kartada.
Parehong mainit nga-yon ang Ginebra at Aces na hangad madugtungan ang kani-kanilang winning runs habang kapwa galing sa talo naman ang Tigers at Phone Pals at nais nilang makabangon mula rito.
Malalaking panalo ang naitala ng Aces at Gin Kings sa kani-kanilang nakaraang laban nang durugin ng Aces ang Sta. Lucia Realty, 103-88 habang dumayo naman ng Dubai ang Ginebra upang hiyain ang kanilang kapatid na kumpanyang Purefoods sa 92-82 panalo.
Umaasa ang Coke na may dalang suwerte ang kanilang bagong import na si Jeff Varem na pumalit kay Anthony Johnson.
Makakatapat ni Varem ang epektibong import ng Ginebra na si Rod Nealy.
Muli namang sasan-dalan ng Alaska si import Rossel Ellis na tatapatan naman ni JJ Sullinger ng Phone Pals.
Ikaapat na sunod na panalo ang tangka ng Ginebra habang ikatlong sunod na panalo naman ang terget ng Alaska.
Magkasama naman sa 4-5 win-loss slate ang Tigers at Phone Pals sa likod ng 5-3 win-loss record ng Air21 na kasa-lukuyang nakikipaglaban sa Purefoods na may 3-6 record habang sinusulat ang balitang ito sa The Arena sa San Juan. (Mae Balbuena)