Burger King nagpasiklab

Pinasiklaban ng Burger King ang defen-ding champion Har-bour Centre, 81-77 upang kunin ang maagang liderato sa 2007 PBL Unity Cup na nagpatuloy kahapon sa Olivarez College Sports Centre sa Parañaque Citykahapon.

Umiskor si Josh Urbiz-tondo ng panablang tres sa 77-all na sinundan ni J.R Quinahan ng long jumper upang ilagay sa trangko ang Whoppers ngunit si Jim Viray ang naghatid ng dalawang mahalagang free-throws para sa panigurong apat na puntos na kalamangan, 2.4 segundo na la-mang ang nala-labing oras sa laro.

Sina-man-tala ng Whoppers ang pagkawala ni Chico Lanete na na-injured sa kampanya ng bansa sa SEABA Champions Cup kung saan ang core ng Harbour Centre ang di-nala na sinamahan ng iba pang PBA stars at nina import Vidal Massiah at Julius Nwosu tungo sa kanilang ikalawang su-nod na panalo.

Nanguna si Nestor David para sa Burger King sa kanyang tinapos na16-puntos kabilang ang kanyang 8-for-14 free-throw shooting bukod pa sa kanyang 11-re-bounds para masundan ang kani-lang 85-72 buwenama-nong panalo kontra sa Henkel-Sista noong open-ing day noong Martes.

Lumaro ng matinding depensa ang Dazz ‘Sang Patak sa overtime hang-gang sa patirikin ang Toyota Balintawak.

Nilimitahan ng Dazz ang Toyota sa tatlong puntos lamang sa extra period tungo sa 86-81 panalo sa unang laro Kumamada si Reed Jun-tilla ng 27-puntos kabilang ang kanyang perfect 5-of-5 three point shooting ngunit ang krusyal na follow-up ni Philip Butel sa huling 33-segundong labanan ang nagselyo ng buwenamanong tagum-pay ng Dazz.

Ang dalawang free-throws ni Toyota Balinta-wak guard Patrick Caba-hug ang nagtabla ng iskor sa 78-all para sa extra five minutes ngunit kinapos ang Road Kings sa panalo nang tatlong free-throws lamang ang kanilang produksiyon sa overtime.

Show comments