^

PSN Palaro

Fistiana huhubog ng maraming ‘Pacquiao

-
Sinabi ni Manila Mayor Lito Atienza, na nangako ng buong suporta sa Fiesta Fistiana sa Abril 29 sa Rajah Sulaiman Park, na kailangan makakuha ng eksena ang local boxing events para maisosyo sa mga manonood.

Matapos ang 8-round panalo ni Manny Pacquiao kay Jorge Solis sa Alamodome kamakailan, muling mabibiyayaan ang mga fight fans na makasaksi ng ilang pinakamagagaling na laban ng mga local talents sa pinakamalaking boxing festival sa bansa ngayong taon.

"Hinahangaan natin ang mga tulad ni Manny Pacquiao. Dala niya ang bandila ng Pilipinas saan man siya lumaban," ani Atienza. "Ngunit marami ding ibang may talentong tulad niya na dapat bigyan ng pansin kaya sinisuportahan natin ang mga programang tulad ng Fiesta Fistiana. "Mabibigyan natin ng pagkakataon ang ibang boksingero na maipakita ang kanilang galing, at ang tao naman ay mabibigyan ng bago at kakaiba namang entertainment."

Ang PSA ang nag-promote ng comeback fight ni Pacquiao noong 1999 kung saan tinalo nito si Reynante Jamilivia sa ikalawang round na naging daan nang kanyang pagbabalik na rin sa international scene.

Ang naturang event na inorganisa ng PSA sa kooperasyon ng Games and Amusement Board at City Manila ay naglalayong makaipon ng pondo para matulungan ang mga disabled boxers. Ngunit imbes na cash bibigyan ang mga boksingero ng livelihood package o ‘pangkabuhayan’ kart.

Ang pangunahing tagapagtaguyod ng naturang paboksing ay ang San Miguel Corp. (SMC), Philippine Amusements and Gaming Corp.(Pagcor) at Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ay suportado din ng Philippine Airlines (PAL), Philippine Charity Sweepstakes Office at Caltex Philippines.

CALTEX PHILIPPINES

CITY MANILA

FIESTA FISTIANA

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

JORGE SOLIS

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with