^

PSN Palaro

HPL-UPL Laguna humataw ng panalo

-
Pasig City --Bumomba ng isang two-run single si Don Aranzanso sa 5th inning nang padapain ng HPL-UPL Laguna Star ang Cainta upang itala ang ikalawang panalo sa National Open Men & Women’s Championships kahapon na ginaganap sa Rosario Sports Complex.   

Matapos ang apat na scoreless inning, sinimulan ni Delmo ng isang single at sinundan ito ng isa rin single ni Julius Visaya at okupahin ang 1st at 2nd base.    

Sa sumunod na eksena matapos ang malakas na hataw ni Aranzaso na bumagsak sa centerfield, mag-kasunod na umiskor si Delmo at Visayas para lumamang ang HPL-UPL Laguna Star at hindi na pina-yagang maka-iskor ang Cainta sa pamamagitan ng pagdispatsa sa anim na batter para sa 2-0 panalo ng Laguna.

Una dito, nagtala si pitcher Resti Liwaswas ng isang 2-run homerun ng pabagsakin ng HPL-UPL Laguna Stars ang Indonesia, 5-2.   

  Sa kabilang dako, pumukol si Ronilon Pagka-liwagan ng 1-hitter nang tambakan ng nagdede-pensang kampeon na Pasig ang Antipolo, 7-0.     

Umiskor naman ng isang run si Dennis Daep na naging sapat na para sa 7-0 panalo ng Taguig kontra Cainta.     

Tulad ng mga taga-Laguna, naitala din ng H & B Cebu, 11-2 panalo laban sa Taguig at Indonesia, 7-1.      

Itinala din ng Zamboanga ang kanilang ikalawang panalo sa pamamagitan ng pagbokya sa Antipolo, 10-0 at 4-0 sa RTU.      

Sa women’s division, si Esmeralda Tayag ay pina-iskor si Joy Locsin sa 7th inning at pagkatapos ay umiskor ng dalawang run sa 9th inning ng maungusan ng natatanggol ng koronang UST ang De La Salle U, 5-4 para sa ikalawang panalo sa gayun din bilang ng laro.     

Tulad ng UST, ang mahigpit na karibal ng Tigers sa UAAP na Adamson U at UP ay itinala din ang kani-kanilang ikalawang panalo. Tinalo ng Adamson U ang RTU, 3-0 at ang UP ay nanalo sa Softballes Inc., 5-2.  (Anatoly dela Cruz)

vuukle comment

ADAMSON U

B CEBU

CAINTA

DE LA SALLE U

DELMO

LAGUNA STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with