ILLAM kampeon sa Major League
April 18, 2007 | 12:00am
TANAUAN CITY Nagpasok ng dalawang run ang ILLAM baseball team sa ikatlong inning ng talunin nila ang Tanauan, 3-1 sa Major League, ang flag ship ng torneo ng Little League Philippine Series sa Baradas Airstrip ground dito.
Dahil sa kanilang panalo, napanatili nila ang korona sa nasabing age-group (11-12) division.
Matapos ang dalawang scoreless inning, sinimulan ni Douglas Balagatas ang 3rd inning ng siya ay kumunekta ng isang single at sinundan ito ng isa pang single ni E Jay Gesmundo.
Sa sumunod na eksena, isang RBI (run-batted-in) single ang isinalubong ni David para umabante ang ILLAM, 2-0.
Nakaganti ng isang run ang Tanauan sa 5th inning ay maka single si Sedric Retorban at umusad sa second base sa pamamagitan ng isang sacrifice bunt ni Welvin Vispo.
Una dito, sa double cross over semifinals, binugbog ng ILLAM ang Muntinlupa, 19-9, samantalang nagtala naman ng come-from-behind, 11-7, panalo ang Tanauan dahil sa isang Grand Slam ni Jimmy Lavado bukod sa kanyang isang 3-run homerun.
Sa softball Major League division, napanatili ng ILLAM ang kanilang panalo ng talunin nilla ang Negros Occidental, 6-1 sa pamamagitan ng pag limita ni pitcher Ines Dias sa mga taga Bacolod sa dalawang hits.
Sa Big League softball, ang number one pitcher ng ILLAM na si Roel Custodio ay nag bigay lang ng isang hit sa Negros Occidental para sa 3-1 panalo ng ILLAM at sa Senior League, halos hindi pinagpawisan ang mga taga Sta. Cruz, Laguna nang durugin nila ang ILLAM, 21-3, at sa Junior League baseball naman, isang homerun ni Adrian Bernado at 2-run triple ang nagbigay ng 8-6 panalo sa ILLAM kontra Nueva Ecija. (Anatoly dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended