Bumandera sina J.R. Quiñahan at Ronjay Buenafe upang banderahan ang Burger King na kumawala sa ikaapat na quarter tungo sa 85-72 panalo kontra sa Henkel-Sista sa unang laro.
Bagamat naglaho ang 19-puntos na kalamangan ng Cebuana Lhuillier, pinanigan pa rin ng suwerte ang Jewelers lalo na sa endgame ng magmintis sa huling tatlong attempts ang San Miguel-Magnolia para mapreserba ang 76-74 panalo sa ikalawang laro.
Naagaw ng SMB-Magnolis ang kalamangan matapos ang mahabang paghahabol matapos ang tres ni Bonbon Custodio sa huling 12.7 segundo ng labanan.
Ngunit umiskor si Dough Kramer ng three point play para kunin ang trangko, may 8-segundo pang natira sa posesyon ng Beverage Masters ngunit nabigo silang makapag-convert sa kanilang huling posesyon.
Nagkaroon ng isang simpleng seremonya upang kilalanin ang Harbour Centre-Philippine team na nagkampeon sa katatapos lamang na SEABA Champions Cup at pormal namang binuksan ni PBL vice Chairman Cecilio Pedro ang season ending tournament. (Mae Balbuena)