Solo liderato asam ng Red Bull
April 18, 2007 | 12:00am
Sasamantalahin ngayon ng defending champion Red Bull na solohin ang pangkalahatang pamumuno sa pag-usad ng classification round ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Nasa liderato ngayon ang Bulls kasama ang Alaska at Barangay Ginebra sa kanilang magkakatulad na 7-2 win-loss slate ngunit walang laro ngayon ang Gin King at Aces at may tsansang makakawala ang Red Bull.
Tampok na laro ang sagupaan ng Red Bull at Welcoat sa alas-7:20 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Talk N Text at Sta. Lucia Realty sa alas-4:35 ng hapon.
Inaasahang magiging magaan ang panalo ng Bulls kontra sa Dragons na halos nasa ilalim na ng team standings taglay ang 2-6 kartada.
Bagamat hindi nakakasama ng Red Bull si coach Yeng Guiao na umiiwas sa sa exposure sa telebisyon upang mapangalagaan ng kanyang hangaring ikatlong termino bilang vice governor ng Pampanga sa darating na eleksiyon, nasa likuran naman ito ng bench upang umagapay kay interim coach Gee Abanilla.
Sa likod ng sitwasyon ng coaching sa Red Bull, nakuha nilang igupo ang Talk N Text noong Biyernes, 102-93 upang manatili sa liderato.
Si import James Penny pa rin ang inaasahang bumalikat sa Bulls bagamat nalimitahan ito sa kanilang nakaraang laban ay umangat naman sina Cyrus Baguio at Carlo Sharma.
Makakatapat ni Penny ang bagong import ng Welcoat na si Rob Sanders na naghahangad makabawi sa kanyang masamang debut game nang mabigo ang Welcoat kontra sa San Miguel Beer noong Linggo, 90-96.
Tabla naman sa 3-5 win-loss slate ang Phone Pals at Realtors at ang kanilang sagupaan ngayon ang maghihiwalay ng kanilang landas.(Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended