Hindi impressive!

Maraming Pinoy ang nagbunyi sa panalo ng Pinoy ring idol na si Manny Pacquiao kay Jorge Solis ng Mexico.

Gayunpaman, hindi impressive at tila iba ang laro ni Pacquiao ayon naman sa obserbasyon ng marami lalo na yung mga nakaka-intindi ng boxing.

Ika nga hindi daw ganun ka lakas ang mga suntok niya at kung umabot pa nga daw ng 12 rounds may paglalagayan daw itong si Pacquiao.

Well, hindi naman siguro. Palagay ko kumpiyansa lang masyado si Manny at kahit sabihing wala pang talo si Solis eh sinu-sino ba naman ang tinalo ng Mexicano?

Wala kasi akong nabasa, kahit sa mga boxing website tungkol kay solis. In fact, kahit letrato nito ay wala akong makuhanan kung hindi pa ito lalaban kay Pacquiao.

Marami nga rin ang nagsasabing si Pacquiao lang ang may pangalan sa mga nakalaban ni Solis.

Malamang!
* * *
Babalik na sa Pinas si Pacquiao at anytime this week malamang naririto na sya. At dahil malapit na rin matapos ang campiagn period tiyak na hahataw ng husto si Manny sa pangangampanya.

Kailangan pa ba?

Anyway, congrats pa rin kay Manny sa kanyang panalo at tiyak marami na naman ang makikisakay sa kanyang panalo at maraming naghihintay sa kanyang pagdating.
* * *
Tiyak na matutuwa ang mga fans ng volleyball partikular na ang mga V-League fans na matagal naghintay.

Good news dahil magbabalik na ang V-League sa Mayo 13 kung saan mapapanood na naman n’yo ang mga paborito nyong volleyball players ng iba’t ibang paaralan.

Bagamat ongoing pa lamang ang negotiation, nakalinya na dito ang La Salle, Ateneo, UST, Letran, Adamson, Lyceum, San Sebastian at FEU sa mga inimbitahang sumali.

Wala pang venue pero tiyak sa mga susunod na labas namin ay mga impormasyon ng lalabas tungkol sa V-League.

At isa na rito ang kaibigan kong si Mayeth Delgado.

By the way, ikakasal na nga pala ‘tong friend ko sa April 21 kay Joel Gonzales. Ang kasal ay magaganap sa Ibarra’s Portico del Sol Garden sa Kawit, Cavite.

Best wishes!

Show comments