Isang bagong laban ang haharapin ni Pacquiao sa kanyang pagdating sa bansa
April 17, 2007 | 12:00am
Matapos manalo sa ibabaw ng boxing ring, sa mga balota naman sa South Cotabato ang pipilitin ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao na mapagtagumpayan.
Sinabi kahapon ni incumbent South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio, makakaharap ng 28-anyos na si Pacquiao sa eleksyon sa Mayo 14 na iba ang laban sa boxing at laban sa pulitika.
"So far, I can say I have many supporters for Congress," ani Custodio. "They believe I am their voice in our district and many believe General Santos and South Cotabato are part of opposition country."
Lalabanan ni Pacquiao, tumatakbo sa ilalim ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI), si Custodio, kilalang miyembro ng oposisyon, para sa Congressional seat sa South Cotabato.
Sa nakatakdang pag-uwi ni Pacquiao ngayong araw ay tiyak na aasikasuhin naman nito ang kanyang pangangampanya simula sa General Santos City.
"If I win in the election next month, I will still continue to fight," wika ni Pacquiao sa panayam ng international media matapos ang kanyang laban kamakalawa laban kay Mexican Jorge Solis sa Alamodome sa San Antonio, Texas. "Boxing is my business and my income."
Naniniwala si Custodio na may bentahe na siya simula nang magtungo si Pacquiao sa United States para sa kanyang paghahanda laban kay Solis, bumagsak sa 8th round ng kanilang international super featherweight fight. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am