Kahit nakabangon si Solis ititigil pa rin ng referee ang laban
April 16, 2007 | 12:00am
SAN ANTONIO, Texas -- Alam ni Ame-rican referee Vic Drakulich na tapos na ang laban sa oras na bumagsak sa Mexican Jorge Solis sa canvass sa ikalawang pagkakataon.
At sinabi ni Drakulich na kahit makaba-ngon pa si Solis bago matapos ang kanyang bilang sa ika-1:16th minuto ng ng bout ay ihihinto na rin niya ang laban.
"I may be speculating here but there’s a good chance I would have stopped the fight anyway if he beat the count," ani Drakulich, nag-referee sa laban ni Pac-quiao kontra kay Erik Morales noong November.
Bumagsak si Solis sa kaagahan ng ikawalong round matapos tumanggap ng solidong kaliwa sa kanyang panga ngunit mabilis itong nakatayo at sinikap niyang tapusin ang naturang round ngunit isa na namang kaliwa ang tumama sa kanyang mukha at sa pagkakataong ito ay nahirapan na siyang bumangon para talunin ang sampung bilang ng referee.
"His glove was still touching the mat when I got to 10. And he’s not up until he gets his glove off the mat. But I would have stopped the fight even if he managed to beat the count," ani Drakulich.
Ukol sa sugat ni Pacquiao sa kaliwang kilay, sinabi ni Drakulich na hindi naman ito grabe para itigil ang laban.
"It wasn’t severe enough to stop the fight. The doctor took a look at it. For me it was just a gash and nothing horrendous," aniya. (Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am