Pag-asa ng RP-5 nakasalalay sa panalo ng Malaysia sa Indonesia
April 14, 2007 | 12:00am
JAKARTA, Indonesia – Napahiya ng husto ang Harbour Centre-RP team ngunit determinado silang makabawi upang maiuwi ang titulo sa SEABA Champions Cup quali-fying tournament dito.
Matapos matalo sa SM Britama-Indonesia, 74-79, agad nag-regroup ang Nationals at pinag-aralan nilang maige kung saan sila nagkamali at nangakong babawi sila sa host team kung magku-krus ang kanilang landas sa finals ng torneong ito na qualifying tournament para sa FIBA-Aisa Cham-pions Cup.
"We’re still confident we can win the title," ani head coach Junel Baculi. "We have our pep talk and I told them, especially the locals, that playing with urgency has not sink in their minds yet.
Kasalukuyang nagla-laban ang Harbour Centre-Philippines at ang wala pang panalong Viet-nam habang sinusulat ang balitang ito sa Britama Arena sa loob ng Sports Mall sa larong inaasahang madaling ipapanalo ng mga Pinoy dahil natalo ang mga Vietnamese sa kanilang dalawang laro na may average losing mar-gin na 87 points.
Ngunit nakasalalay ang lahat ng pag-asa ng Nationals na may 1-1 kartada sa magiging resulta ng Indonesia-Malaysia game sa pagta-tapos ng preliminary round.
Kailangang talunin ng Malaysians na may 1-1 kartada din, ang wala pang talong Indons sa 2-0, ng hindi bababa sa 10-puntos upang makalikha ng three-way tie sa unahan na magbibigay sa kanila ng tsansang maka-laban ang Harbour Centre-RP sa bisa ng FIBA quotient system.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended