Patutulugin ko si Pacquiao-Solis

SAN ANTONIO, Texas --Pinanindigan ni Jorge Solis ang kanyang papel bilang underdog nang dumating ito sa Radisson Hotel mula sa airport noong Lunes ng hatinggabi sakay sa taxi.

Sa isang panayam, sinabi nito na maaring magbago ang lahat sa Sabado kung saan inaasahan niyang mapapabagsak si Manny Pacquiao sa kani-lang nakatakdang 12-rounder sa pamosong Alamodome.

"I’m confident. Yes, I’m confident," wika ni Solis kay Top Rank’s Ricardo Jimenez nang pumasok ang walang talong boxer mula sa Guadalajara sa hotel may 30 minutos mula sa airport.

Kasama ni Solis sa taxi ang kanyang amang si Aurelio, kapatid na si Ulysses na hatak-hatak ang bagahe patungo sa elevator ngunit nababakas sa mukha nito ang kumpiyansa.

Nakipag-ispar si Solis ng 300 rounds sa loob ng anim na linggo at umaasang tatalunin si Pacquiao na may 170 pa lamang na ispar sa pitong linggo.

"Yes, I think they’re enough to beat Pacquiao," dagdag niya.

Sa airport pa lamang, hayagan sinabi ni Solis na tangka niyang patulugin si Pacquiao.

"I’m ready to fight. I have the skills and the power to knock him out. I will use my height and reach advantage. I know how to fight from a distance," dagdag ni Solis. (Abac Cordero)

Show comments