At sa di sinasadyang pagkakataon, haharapin ng bagong Coca-Cola Tiger na si Kenneth Du-remdes ang dati niyang team na Sta. Lucia Realty.
Ito ang mga senaryo sa dalawang larong naka-takda ngayon sa Talk N Text PBA Fiesta Confe-rence na magpapatuloy sa Araneta Coliseum.
Tampok na laro ang sagupaan ng Alaska at SMBeer sa alas-7:35 ng gabi ngunit magsisilbing pampagana ang eng-kwentrong Sta. Lucia at Coca-Cola sa alas-4:35 ng hapon.
Isasalang ng Beermen ang kanilang ikatlong import na si Galen Young, naging reinforcement ng Aces noong 2005 edition ng kumperensiyang ito bilang kapalit ni Paul McMillan na naging susi sa kanilang nakaraang 108-103 panalo bago mag-Semana Santa kontra sa Talk N Text.
Ito ang kauna-una-hang panalo ng SMBeer matapos mabokya sa unang anim na laro sanhi ng kanilang pananatili sa ilalim ng team standings ngunit umaasa silang ang panalong ito at ang pagdating ni Young ay magiging malaking tulong sa kanilang kampanyang makaahon.
Masusubukan ang kanyang kalibre sa pag-babalik sa PBA laban kay Alaska import Rosell Ellis.
Sinukatan si Young ka-hapon sa commissioners office sa taas na 6-foot-5, pasado sa height ceiling na 6’6.
Magmumula ang Aces sa 102-106 pagkatalo laban sa Air21 noong Miyerkules din ngunit hangad nilang makabawi dito upang makakalas sa pakikisalo sa 5-2 kartada sa Express at makisalo sa magkasosyong leader na Barangay Ginebra at defending champion Red Bull sa 6-2 win-loss slate. (Mae Balbuena)