RP-Harbour Centre vs Malaysia
April 10, 2007 | 12:00am
Ang matagal nang karibal ng bansa ang isang malaking pagsubok na kanilang haha-rapin sa kanilang pagbabalik sa sernaryo ng international basketball matapos ang dala-wang taong pagkaka-sus-pinde.
Haharapin ng Harbour Centre-Philippine ang Malay-sia para sa paunang asigna-tura sa SEABA (South East Asian Basketball Association) Champion’s Cup qualifying tournament ngayon.
Ang mga Pinoy, binubuo ng all-Philippine Basketball League selection at dalawang dayuhang reinforcement at Malaysian ay maghaharap sa ganap na alas-4 ng hapon bago ang pormal na opening ceremony ng limang araw, apat na team na tournament na magsisilbing qualifying event sa FIBA-Asia Cham-pions Cup na nakatakda sa Tehran, Iran sa Setyembre.
Sa isa pang laban, magsa-sagupa naman ang host Indonesia at Vietnam sa ganap na alas-7 ng gabi.
Ang kompetisyon ay unang opisyal na international meet para sa Pinas sapul nang alisin ng FIBA ang suspensiyon ng matapis mabuo ang BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas na pinamumunuan ni Manny V. Pangilinan.
Bagamat isang araw lamang ang pahinga sapul nang dumating sa kapitolyo ng Indonesia, ang RP squad na igigiya ni coach Jonel Baculi ay nananatiling kumpiyansa sa kanilang kampanya sa torneo.
"The event we’ve all been waiting for has finally come. The boys are ready and up to the challenge of meeting the ex-pectations of 70 million Fili-pinos back home who wants no less than a championship," ani Baculi, may hawak ng dalawang FIBA-Asia Cham-pions Cup title na kanyang napagwagian kasama ang PBL-Andoks (1995) at Hapee Toothpaste (1996).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended