Humataw ng 30-puntos ang 2006 Most Valuable Player na si Yap upang agawin ang role ng kanilang import na si Marquin Chandler tumapos ng 20-puntos tungo sa kanilang ikatlong panalo matapos ang anim na laro.
"Hopefully, this will be a good step for us to go up the ladder," ani coach Ryan Gregorio na nagpalasap sa Dragons ng ika-limang talo sa pitong asignatura. "Our goal is to finish the first round strong, which we believe is achievable."
Nagtamo ng sprained toenail sa kanang paa si Clark sa first period kung saan ikinamada ng Giants ang 25-9 abante patungo sa paglilista ng isang 20-point lead, 32-12, sa 10:06 ng second quarter mula sa basket ni Paul Artadi.
Ibinandera ng Purefoods ang pinakamalaking kalamangang 28-points, 57-29, 11.7 segundo bago matapos ang ikalawang quarter sa undergoal stab ni forward Richard Yee.
Nakalapit ang Welcoat sa 69-81 sa huling 5:53 ng final canto galing kina ‘second import’ Alex Compton at Jireh Ibanez ngunit isang 11-5 atake naman ang inilunsad ng Giants, pito rito ay kay Yap, upang muling ilayo ang kanilang lamang sa 92-74 sa huling 1:31 ng laban.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull (6-1) at Ginebra (5-2) sa tampok na laro. (Mae Balbuena)