^

PSN Palaro

Isa na namang titulo tangka ni Corteza

-
Matapos makopo ang titulo sa 2nd BSCP National Pool Championships hangad ni Lee Van Corteza na matuhog din ang 2007 Guinness 9-ball tour na gaganapin sa Abril 20-21, 2007 sa Jakarta, Indonesia.

Naitala ng 28-gulang na si Corteza ang 13-11 panalo laban kay Marlon "Marvelous" Manalo para sa kanyang kauna-unahang major title sapul nang manalo sa 39th All Japan Championships sa Tokyo, Japan nitong Disyembre para makakuha ng slot sa World Pool Championships na idaraos uli dito sa Manila sa Nobyembre.

"Consistent ako ngayon nagpa praktis. 50 racks a day, kahapon (Biyernes) hindi ako nag praktis para mabigyan ko ng full time ang aking pamilya kasama na ang pagpapasalamat sa Poong Maykapal na nagbigay ng mga blessings sa akin sa nakalipas na mga araw."

Inimbitahan ding lumaro si Corteza sa Predator Championships sa susunod na buwan sa Florida at ang prestigious International Challenge of Champion P50,000 winner-take all matches sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut sa Hulyo.

Bukod kay Corteza, ang iba pang Filipino cue artists na sasargo sa Guinness 9-ball tour, na may pabuyang top purse US$15,000 sa winners ng bawat leg at hindi pa kasama ang Grand Final Champion na may pabuyang US$36,000 ay sina double world champion Ronato "Volcano" Alcano, 2006 World Pool League ruler Dennis "Robocop" Orcollo at 2006 Doha Asian Games 9-ball silver medallist Jeffrey "The Bull" De Luna.

Ang iba pang leg ng torneo na ranking tour sa Asia para sa top ten na manlalaro na uusad sa WPA World Pool Championship ay ang Kuala Lumpur sa Hunyo, Singapore sa Hulyo, Shanghai sa Agosto at matatapos sa Bali sa Setyembre.

ALL JAPAN CHAMPIONSHIPS

CORTEZA

DE LUNA

DOHA ASIAN GAMES

GRAND FINAL CHAMPION

HULYO

INTERNATIONAL CHALLENGE OF CHAMPION

KUALA LUMPUR

LEE VAN CORTEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with