^

PSN Palaro

RP-San Miguel may nadiskubreng pormula

-
CARSON City, California — Isang naiibang starting line-up ang naging susi sa 90-71 tagumpay ng RP-San Miguel sa Cal State-Dominguez Hills, isang NCAA Division-II school sa Home Depot Training Center dito.

Ang nasabing starting line-up na binuo nina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Tony Dela Cruz, Ranidel De Ocampo at Asi Taulava ang naglagay sa Nationals sa unahan, 7-0, sa pagsisimula ng laro kontra Toros.

Kumolekta si Caguioa ng 22 marka, samantalang gumawa naman si Danny Seigle ng 16 mula sa bench para sa RP Five.

"Unlike the first two games when our mentality was just to compete and execute, we went into this game with the mindset that we were out to win," ani head coach Chot Reyes sa tropa na nagmula sa 76-100 kabiguan sa Hollywood Fame.

Mula kay Jamel Barnes, nakadikit ang Dominguez Hills sa gitna ng first quarter hanggang kunin ng RP-San Miguel ang isang 31-16 kalamangan sa pagsasara nito.

Gumamit ang mga Toros ng isang 1-3-1 defense na hindi naman umubra mula sa tirada sa 3-point range nina Ren-Ren Ritalo, Jr., Dondon Hontiveros at Mic Pennisi para sa Nationals.

Inangkin ng RP-San Miguel ang isang 20-point advantage, 48-28, sa first half patungo sa 70-50 bentahe sa third period.

"We practiced only until 12 noon yesterday, and got everyone back at 12 noon today, thus giving everyone a 24-hour break, and it showed in the energy," ani Reyes. "More than the win, what pleased me was our ball movement and the players’ selflessness."

ASI TAULAVA

CAL STATE-DOMINGUEZ HILLS

CHOT REYES

DANNY SEIGLE

DOMINGUEZ HILLS

DONDON HONTIVEROS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with