Sa bahaging ito ng taon, madalas ay tumatakas tayo sa katotohanan, at umiiwas na pag-isipan ang ating buhay. Lalo na ngayong katawa-tawa na ang ginagawa ng mga kababayan nating gustong mapansin para maluklok sa puwesto sa halalan, mahirap humarap sa katotohanan.
Sa mundo ng sports, maraming mapagkukunan ng inspirasyon.
Para sa mga nag-iisip kung susuko na sa kanilang mga pangarap, payo ng football Hall of Fame member Joe Namath, "If you aren’t going all the way, why go at all?"
Dagdag naman ni Pete Rose, na isang napakahusay na player bago nasangkot sa kontrobersya nang maging manager: "You owe it to yourself to be the best you can possibly be - in baseball and in life."
Sabi pa ng iniidolong si Michael Jordan, "You have to expect things of yourself before you can do them."
Una dapat ang paniniwala sa sarili.
At bilang pandagdag sa determinasyon, sabi ni coach Joe Paterno, "The will to win is important, but the will to prepare is vital."
Ibig sabihin, naisin man nating magtagumpay, kung hindi natin ito paghahandaan, balewala din.
May kakambal na kasabihan hinggil sa magiging balakid sa tagumpay sa anumang gawin sa buhay.
"You are the handicap you must face. You are the one who must choose your place," ika ni James Lane Allen. Ang pinakamalaking kalaban sa buhay ay ang takot.
"It’s lack of faith that makes people afraid of meeting challenges, and I believed in myself," buo ang loob na sambit ni Muhammad Ali.
"If you can’t accept losing, you can’t win," mula sa isang taong ayaw na ayaw matalo, ang football coach na si Vince Lombardi..
At ito ang mensaheng angkop na angkop ngayon eleksyon, mula kay Robert Yates: "It is amazing what can be accomplished when nobody cares about who gets the credit."
Alam mo nang may problema kapag inuuna yung pagpapapansin sa sarili, kaysa sa trabaho.
"I learned that if you want to make it bad enough, no matter how bad it is, you can make it," mula sa isang atletang naghirap din bago nagtagumpay, si Gale Sayers.
"At, mula sa napakasakit na karanasang malaglag sa Olympic team, at bumalik upang maging decathlon champion, o tinaguriang "greatest athlete in the world", si Dan O’Brien, "The only way to overcome is to hang in. Even I’m starting to believe that."
At marahil, marinig na naman ninyo ito sa pelikulang Rocky Balboa, pero una itong sinabi ng nakakatawang baseball manager na si Yogi Berra, "The game isn’t over till it’s over."
Pahabol ng football player na si Heschel Walker, "If you train hard, you’ll not only be hard, you’ll be hard to beat."
Nawa’y maging pangmatagalan ang ating gunita sa Semana Santang ito
Alalahanin natin ang lahat ng ating mga biyaya palagi.