^

PSN Palaro

Guiao, iwas pusoy muna

-
Habang hindi pa nalilinawan ang tungkol sa isa sa mga probisyon sa ‘Fair Elections Law’ ng Commission on Elections (COMELEC) ay mananatili sa likod ng bench ng Red Bull si head coach Yeng Guiao. 

Sinimulan na ni Guiao ang naturang hakbang sa 102-90 panalo ng nagdedepensang Barakos sa Coca-Cola Tigers sa 2007 PBA Fiesta Conference noong Linggo. 

"In the meantime, we share responsibilities. Siya ang tumatawag ng play, ng substitution sa likod ng bench, ako naman sa loob ng court," wika ni assistant coach Gee Abanilla sa pag-upo ni Guiao sa likod ng kanilang bench. 

Isinumite na ni Guiao ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC noong nakaraang Linggo para sa hinahangad na ikalawang sunod na termino bilang Vice-Governor ng Pampanga. 

Hindi na bago kay Guiao ang pagkawala sa bench ng Barakos. Noong 2004, si Abanilla rin ang nagmistulang mentor ng Red Bull sa ilan nilang laro habang abala sa pangangampanya si Guiao. "I did the same in 2004. I was campaigning and at the same time I was coaching Red Bull in the PBA," ani Guiao. "Of course, there might be some people who will question that, but my legal counsel is ready to face whatever it is." 

Ayon kay Abanilla, ang mga artista lamang na kumakandidato sa isang national position ang pinagbabawalan ng COMELEC na lumabas sa telebisyon. Isa na rito si actor/sportsman Richard Gomez na isang Senatoriable. (RC)

ABANILLA

BARAKOS

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COCA-COLA TIGERS

FAIR ELECTIONS LAW

GUIAO

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with