GAB mag-iimbestiga
April 3, 2007 | 12:00am
Imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Ito ang unang hakbang ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Eric Buhain matapos ang pagkamatay ni Filipino super flyweight Lito Sisnorio sa mga kamao ni Thai flyweight champion Chatchai Sasakul noong Sabado sa Piyamin Hospital sa Bangkok, Thailand.
Ayon kay Buhain, sasampahan nila ng kaso si Gemmil Contayoso, ang tumatayong manager ni Sisnorio, nagtungo sa Thailand para lumaban na hindi ipinapaalam sa GAB, kapag napatunayang hindi nito ginabayan ng maayos ang 24-anyos na boxer.
"For the record, GAB did not allow or did not give travel authority to boxer Lito Sisnorio to fight abroad because he has failed to suffice three (3) important policies as mandated by Resolution No. 05-71 issued by the Board," sabi sa pahayag ng GAB chief.
Sa kanyang fourth-round knockout loss sa 37-anyos na si Sasakul noong Biyernes, kaagad na isinailalim si Sisnorio sa isang emergency surgery para alisin ang blood clot sa kanyang utak nang kumulapso bago maghapunan ilang oras matapos ang laban.
Hindi na nagising pa si Sisnorio, nagmula sa isang three-fight losing skid at may 5-6 win-loss card kumpara sa 59-3 record ni Sasakul, makaraan ang operasyon kasabay ng pagtigil ng kanyang puso ganap na alas-9:15 ng gabi noong Sabado.
Dahil dito, sinuspinde na ng GAB ang pagbibigay ng travel authority sa lahat ng Filipino fighters na gustong lumaban sa Thailand.
"Thailand Boxing has failed in several occasions to request Filipino boxers to provide them with the travel authority from GAB before allowing them to step on the ring. Since they have not shown any concern on the dangers that boxers are to go thru, the Board will implement this "No fight in Thailand" Policy effective immediately," sabi ni Buhain. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended