Malaking tulong si Chandler
March 31, 2007 | 12:00am
IBANG klase talaga itong si Marquin Chandler!
Ganoon pa rin naman ang komposisyon ng Purefoods Tender Juicy Giants at kulang pa rin naman sila ng tatlong malalaking players subalit sa pagdating ni Chandler ay bigla silang nakabangon sa Talk N Text-PBA Fiesta Conference at nagwagi ng dalawa sa huling tatlong laro nila.
Hilahod nga kasi itong Purefoods matapos na ipahiram sa national team ang lead center na si Kerby Raymundo at magkaroon ng injury sina Marc Pingris at Zandro Limpot.
Natalo ang Giants sa kanilang unang tatlong games kung saan ang kanilang import ay si Jesse King.
Temporary import lang si King dahil nga sa nandito na rin si Chandler bago pa man nag-umpisa ang torneo.
Pero may knee injury si Chandler at hinintay pa ng Giants na gumaling ito.
Disente naman ang numero ni King na nag-average ng 20.67 puntos, 12.67 rebounds, 1.33 assists, 0.67 steal, 0.67 blocked shot at tatlong errros sa 35.33 minuto sa tatlong games.
Bumaba na nga lang ang kanyang scoring average dahil sa karampot na minutong nilaro niya sa kanyang ikatlong game kung saan nagtamo siya ng injury.
Ang siste, itong si King ay hindi marunong mag-pace ng sarili. Buhos kaagad ang laro niya sa first half pero tumutukod siya sa second half at natatalo nga ang Giants.
Iba si Chandler dahil sa mula umpisa hanggang sa dulo ng laro ay hindi nagbabago ang kanyang intensity.
Napatid ang three-game losing streak ng Giants nang maungusan nila ang San Miguel Beer, 79-77 sa isang game kung saan bumawi sila sa 15 puntos na kalamangan ng Beermen.
Natalo ang Giants sa Air 21 subalit dumaan pa muna sila sa overtime period.
Noong Miyerkules ay ginapi naman nila ang Talk N Text, 101-95. Kahit nasa bottom half pa rin ng standings ang Giants na may 2-4 record, medyo mataas na ang kanilang morale. Kasi nga’y kasama na nila si Chandler at alam nilang kaya silang buhatin nito.
Ito ang nagagawa ng isang mahusay na import. Bukod sa pagtala ng magagandang numero ay nai-inspire niya ang kanyang mga kakampi.
Dahil sa nakikita ng mga locals na pumupukpok nang husto si Chandler at handang makipagpalitan ng mukha para magwagi, naeengganyo silang gawin din ito. At heto pa ang siste, dumating sa bansa ang asawa ni Chandler na buntis at ayon sa sources, nais nitong dito sa Pilipinas manganak.
Kasi nga’y napamahal na sa kanya ang ating bansa.
Aba’y maganda iyan! Pero hindi naman magiging Filipino citizen ang kanilang anak!
Sayang!
Kasi kung magiging Filipino citizen ito at sakaling lalaki pa ang kanilang supling, karagdagang basketbolista iyan sa susunod na henerasyon na baka magamit natin sa national team.
Okay kaya ‘yun?
Condolence sa mga naiwan ni Allan Buenacosa na pumanaw noong Lunes, March 26. Ang kanyang labi ay nasa St. Peter Chapel sa Quezon Avenue. Ang interment ay ngayong 9 am sa Loyola Marikina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended