Hindi na kinailangan pang paghirapan ang panalo ni Puc, anak ni Iztok, na miyembro ng handball team na nag-hatid ng unang Olympic gold para sa Croatia noong 1996 Atlanta Games, laban sa dating RP Junior Davis Cupper na nagbigay lamang ng magandang laban sa unang bahagi ng kanilang match nang mapreserba nito ang kanyang serbisyo para sa 2-2.
Umangat si Puc sa 4-1 kalamangan sa ikala-wang set para tapusin ang laban sa ikalawang set.
Susunod na kalaban ni Puc, ang world’s No. 17 at top seed Australian John Patrick Smith na pinag-retiro ang kababayang si sixth seed Andrew Thomas, para sa 6-3, 1-0 panalo dahil sa sprained right ankle.
Sa iba pang matches, sinibak din ni unseeded Silvio Dadic ng Croatia si second seed Stephen Donald ng Australia, 6-4, 4-6, 7-5, para makausad sa semifinals laban kay 12th seed Bernard Tomic, na umiskor ng 6-3, 2-6, 6-4 upset win laban kay fourth seed Thai Kittipong Wachairamanowong.
Sa girls division, tinalo ni No. 8 Ling Zhang ng Hong Kong si No. 1 Sacha Jones ng Australia, 6-4, 7-6 (5), upang itakda ang semifinal showdown laban sa qualifier na si Anne Christine Voicu ng Canada na gumulantang kay No. 12 Brittany Sheed ng Australia, 7-6 (5), 5-7,6-2.
Pinabagsak naman ni third seed Kai Chen Chang ng Chinese Taipei ang ninth-seeded Filipino na si Denise Dy, 6-4, 0-6, 6-2, para sa semifinal duel laban kay No. 10 Australian Tyra Calderwood, na nanalo kay unseeded Zijun Yang ng Hong Kong, 2-6, 6-2, 6-3. (Mae Balbuena)