^

PSN Palaro

Dandan silat sa slovenian netter

-
Sinibak ng unseeded player mula sa Slovenia na si Borut Puc sa pama-magitan ng kanyang con-sistent na serbisyo at laro ang RP bet na si Kyle Joshua Dandan, 6-2, 6-3, upang makarating sa semifinals ng 18th Mitsu-bishi Lancer International Juniors Championships kahapon sa Rizal Memo-rial Tennis Center hard-court.

Hindi na kinailangan pang paghirapan ang panalo ni Puc, anak ni Iztok, na miyembro ng handball team na nag-hatid ng unang Olympic gold para sa Croatia noong 1996 Atlanta Games, laban sa dating RP Junior Davis Cupper na nagbigay lamang ng magandang laban sa unang bahagi ng kanilang match nang mapreserba nito ang kanyang serbisyo para sa 2-2.

Umangat si Puc sa 4-1 kalamangan sa ikala-wang set para tapusin ang laban sa ikalawang set.

Susunod na kalaban ni Puc, ang world’s No. 17 at top seed Australian John Patrick Smith na pinag-retiro ang kababayang si sixth seed Andrew Thomas, para sa 6-3, 1-0 panalo dahil sa sprained right ankle.

Sa iba pang matches, sinibak din ni unseeded Silvio Dadic ng Croatia si second seed Stephen Donald ng Australia, 6-4, 4-6, 7-5, para makausad sa semifinals laban kay 12th seed Bernard Tomic, na umiskor ng 6-3, 2-6, 6-4 upset win laban kay fourth seed Thai Kittipong Wachairamanowong.

Sa girls division, tinalo ni No. 8 Ling Zhang ng Hong Kong si No. 1 Sacha Jones ng Australia, 6-4, 7-6 (5), upang itakda ang semifinal showdown laban sa qualifier na si Anne Christine Voicu ng Canada na gumulantang kay No. 12 Brittany Sheed ng Australia, 7-6 (5), 5-7,6-2.

Pinabagsak naman ni third seed Kai Chen Chang ng Chinese Taipei ang ninth-seeded Filipino na si Denise Dy, 6-4, 0-6, 6-2, para sa semifinal duel laban kay No. 10 Australian Tyra Calderwood, na nanalo kay unseeded Zijun Yang ng Hong Kong, 2-6, 6-2, 6-3. (Mae Balbuena)

ANDREW THOMAS

ANNE CHRISTINE VOICU

ATLANTA GAMES

AUSTRALIAN JOHN PATRICK SMITH

AUSTRALIAN TYRA CALDERWOOD

BERNARD TOMIC

HONG KONG

PUC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with