Dragons bumangon
March 31, 2007 | 12:00am
Bumangon ang Wel-coat sa tatlong sunod na kabiguan habang pa-dausdos naman ang ti-natahak ng dating leader na Air21.
Ito’y matapos ang pinaghirapang 103-99 overtime win ng Dragons kontra sa Air21 sa pag-usad ng elimination ng Talk N Text Fiesta Confe-rence na nagpatuloy sa Araneta Coliseum kagabi.
Tumapos si import Charles Clark ng 40-pun-tos upang ibangon ang Dragons sa 2-4 win loss slate habang nalasap naman ng Express ang ikalawang sunod na talo matapos ang apat na dikit na tagumpay.
Kontrolado ng Welcoat ang first half kung saan umabante sila ng 14-puntos ngunit dinala ng Air21 sa overtime ang laro sa pamamagitan ng tres ni Arwind Santos sa huling 25 segundo ng regulation makaraang magmintis si Rob Wainwright sa pam-panalong basket ng Dragons.
Hindi naasahan ng Express si Homer Se na nasuspindi ng isang laro dahil sa kanyang pagka-ka-eject sa kanilang laban kontra sa Red Bull noong Miyerkules kung saan itinulak nito si referee Throngy Aldaba na may kakabit ding P50,000 na multa.
Kasalukuyang nagla-laban ang Talk N Text (2-3) at Ginebra (4-1) habang sinusulat ang balitang ito.
Lumaro ang Gin Kings na wala si Rudy Hatfield na umuwi ng Amerika noong Miyerkules para ayusin ang kanyang prob-lema sa pag-aampon ng anak ng kanyang mapa-pangasawa at walang katiyakan kung kailan ito babalik.
Kinuha ng Gin Kings si Jek Chia kapalit ni Hatfield para sa Mark Caguioa- Jayjay Helterbrand-less na Ginebra.
Samantala, magpa-patuloy ang aksiyon sa Subic sa sagupaan ng Alaska at Purefoods sa alas-7:00 ng gabi sa Subic gym.
Hangad ng Aces, may 4-1 record na makisalo sa liderato habang tangka naman ng TJ Giants na makapagtala ng back-to-back win upang iangat ang 2-4 kartada.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended