^

PSN Palaro

Holy Cross belles punta din sa Boracay

-
 Mahirap man gawin, pinilit pa rin nina Carren Desierto at Dolly Peña-florida na pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro. 

Iginiya nina Desierto at Peñaflorida ang Holy Cross of Davao College sa main draw ng 11th Nestea Beach Volley makaraang magtala ng 3-0 kartada sa Mindanao Eliminations kahapon sa La Salle-Greenhills. 

"Medyo mahirap tala-gang pagsabayin ‘yung pag-aaral at paglalaro, kaya nga bitin talaga ‘yung practice namin for this tournament," sabi ng 21-anyos na si Desierto, nakatakdang magtapos sa kursong Management sa HCDC bukas sa Davao City kasabay ng 21-anyos rin na si Peña-florida. 

Ang tambalan nina Lina Gampong at Mayeta Tan ng Mindanao State University Tawi-Tawi ang unang pinabagsak nina Desierto at Peñaflorida mula sa 18-21, 25-23, 15-7 panalo at kaagad na isinunod sina Ma. Lualhati at Mary Justin Pinili ng Ateneo De Davao Univer-sity buhat sa 21-7, 21-9 tagumpay. 

Tuluyan nang ibinulsa nina Desierto, na halos dalawang buwan na nag-sanay sa Japan noong 2006 bilang miyembro ng RP training pool, at Peña-florida ang ikatlong sunod na panalo ng HCDC nang igupo sina Maricel Cabus at Janice Arnaiz ng Uni-versity of Mindanao, 21-11, 21-12.

Pinaganda naman nina Liezel Manatad at Mylin Que ng University of Mindanao Tagum ang kanilang tsansa para sa main draw makaraang magposte ng 2-0 marka. 

Tinalo nina Manatad at Que ng UMT ang magka-patid na sina Pinili ng ADDU, 21-7, 21-6, bago isinunod sina Cabus at Arnaiz ng UMD, 21-12, 21-13. 

Sa men’s class, binigo naman nina Orpheus Cubillas at Kevin Escobal ng Capitol University sina Roman Jacob Cuison at Spar John Cosme ng ADDU, 21-9, 21-14, at pinatid nina Gabshar Tahiluddin at Yusop Abdul-karim ng MSU Tawi Tawi sina Jay-Ar Aping at Gabriel Usman ng Tawi Tawi Regional Agricultural College, 21-9, 21-11. (Russell Cadayona) 

ATENEO DE DAVAO UNIVER

CAPITOL UNIVERSITY

CARREN DESIERTO

DAVAO CITY

DESIERTO

NINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with