^

PSN Palaro

Ihiwalay ang politika sa sports-Escudero

-
Hinamon ni senatorial candidate Francis ‘Chiz’ Escudero kahapon ang mga incumbent politicians na magbitiw sa kanilang mga puwesto sa sports at iwanan ang mga National Sports Asso-ciations (NSAs) sa mga pribadong indi-bidwal sa pagsasabing walang puwang ang pulitika sa palakasan.

Binanggit ni Escudero, three-term congressman mula sa Sorsogon na naghahangad makakuha ng isang silya mula sa 12 upuan sa Senado sa ilalim ng Genuine Opposition, ang mga panga-lan ng administration allies na sina Pros-pero Pichay at Monico Puentevella na kanyang mga kasamahan sa Congress.

Ayon kay Escudero, nagkakaroon ng advantages ang mga politikong may posisyon sa sports sa pagiging mam-babatas at lider ng kanilang NSAs.

Si Pichay, tumatakbong senador sa ilalim ng pro-administration Team Unity, ay namumuno sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) habang si Puentevella ay president ng Philippine Wrestling Federation (PWF) at nilalasap ang bentahe bilang law-maker at posisyon sa NSA.

Pinaalalahanan din niya si People’s champ Manny Pacquiao na naghahangad ng congressional seat sa unang distrito ng General Santos City laban kay opposition stalwart Darlene Custodio-Antonino, at sinabing kailangang seryosong pag-isipan muna ni Pacquiao ito bago tuluyang umakyat sa ibang ring.

"Politics is different, it’s very far from boxing where he excels. Isa siyang bayani pero itinutulak pa palabas ng sports sa ngalan ng pulitika. Mahahati lamang ang atensyon niya kung sasabak siya sa dalawa," ani Escudero. (Mae Balbuena)

DARLENE CUSTODIO-ANTONINO

GENERAL SANTOS CITY

GENUINE OPPOSITION

MAE BALBUENA

MONICO PUENTEVELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with