Mga bigatin lumasap ng kabiguan
March 28, 2007 | 12:00am
Dalawang dating kina-tatakutang koponan sa men’s at women’s beach volleyball ang kaagad na nakatikim ng kani-kani-lang kabiguan.
Tinalo ng University of St. La Salle-Bacolod ang three-time champion Uni-versity of San Jose-Reco-letos, 21-18, 21-13, sa men’s class, habang bini-go naman ng University of the Visayas ang three-time titlist Southwestern University, 21-15, 21-23, 15-11, sa women’s side sa paghataw ng Visayas Eliminations ng 11th Nestea Beach Volley kahapon sa La Salle-Greenhills.
Ang USJR ang nag-hari sa torneo noong 2002, 2003 at 2004, samantalang ang SWU naman ang nagreyna noong 2002, 2003 at 2004.
"Siyempre, may championship tradition na sila, kaya kailangan talaga naming maglaro pa ng maganda," sabi nina Emmanuel Luces at Mark Sabusap ng USLS sa kanilang paggupo kina Leonilde Sanchez at Ariel Carumba ng USJR.
Hindi naman ume-pekto kina Janez Armie Igot at Jusabelle Brillo ng UV ang pagiging three-time champion ng SWU, kinatawan nina Marites Natad at Janelle Tabio.
Bukod sa UV, ang iba pang nanalo sa women’s class ay ang USJR kontra Foundation University, 21-17, 21-15; ang University of San Agustin sa Uni-versity of San Carlos, 21-11, 21-7; at ang University of Southern Philippines Foundation laban sa USLS, 21-12, 21-11.
Sa men’s category, pinayukod naman ng USA ang Iloilo Doctors College, 24-22, 21-17, 15-11; tinalo ng FU ang University of Negros Occidental-Recoletos, 21-17, 21-13. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am