^

PSN Palaro

Paalam kabigang Jun B!

SPORTS - Dina Marie Villena -
Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagsulat ng isang kolum na ito patungkol sa isang kaibigan na nawala na.

Kung tutuusin ayokong isipin na hindi ko na siya makakasama dito sa lupa. Masakit tanggapin. Ayokong maniwala na wala na siya.

Ang tinutukoy ko ay ang kaibigan at kumpare ko na si Jun B (Emilio "Jun" Bernardino Jr.) Ang "Kume" ng lahat at ‘Ibok‘ sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Una kong nakilala si Jun B. noong 1988 kung saan nagkokober pa ako ng PBA at Executive director pa ito. At bago pa lang ako sa sportswriting world noon.

Mula noong naging close na kami and in fact isa siya sa ninong ng bunso kong si Lorraine na bininyagan noong 1991.

Masayahing tao si Jun B. kaya naman palaging masaya ang mga kuwentuhan namin kasama si Rhea Navarro, Tessa Jazmines at Beth Celis kapag nagkokober kami ng games sa PhilSports (Ultra pa noon).

Ika nga ng marami, "walang masamang tinapay" kay Jun B.

Kaya naging malapit sa masa ang PBA ay dahil na rin kay Jun B. Hindi siya namimili ng mga taong kakausapin. Kahit nga isang fly-by-night tabloid reporter o photographer ang lalapit sa kanya ay very willing and accomodating si Jun B. Lahat open kay Jun B.

At dahil dito naging malapit sa puso ng tabloids ang PBA. Siya ang dahilan kung bakit dumami ang tabloid reporter na nagkokober ng PBA noong time niya (bilang PBA commissioner). At ang mga tabloids na ito ang naglapit sa PBA sa masa dahil mas maraming masa ang bumabasa ng PBA sa tabloids. Aminin man nila o hindi iyan ang totoo.

Very loving din siya sa mga empleyado at sa lahat ng kaibigan niya.

Tini-treasure niya ang friendship at talagang buong puso na walang halong kaplastikan kung makipagkaibigan.

Yan si Jun B.

Kulang ang espasyo ko para kay Jun B., gayunpaman, alam kong nasaan man siya ngayon, maligaya siya.

Paalam Jun B!
* * *
Kausap ko ang anak niyang si Nolan, na naging close din sa akin noong Busan Asian Games.

"Malihim si Dad. Kapag may nararamdaman ayaw niyang ipaalam sa amin. Ayaw niya kasing nagwo-worry kami," sambit ni Nolan nang tanungin ko siya noong Sabado ng umaga matapos kong matanggap ang balita.

"Hindi bale Ate Dina, siguro may problema sa itaas tungkol sa basketball kaya ipinatawag siya ni Lord," nagbibiro pang wika ni Nolan na ayaw magpahalata ng kalungkutan.
* * *
Sa maniwala man tayo o hindi may mga premonitions na sa biglaang pag-alis ng kaibigang Jun B. na na-feel ng mga malalapit niyang kaibigan.

Sa mismong surprise party na inorganize mismo ni Jun B. para kay Tito Moying Martelino, may kakaibang naramdaman ang mga kaibigan niya. Sabi nga ni Tito Moying, pagbukas niya ng pintuan sa Manila Polo Club, nakita niya agad si Jun B. na kumakaway sa kanya na hindi naman siya ang nasa bungad. Maging si Rhea mismo, ay may kakaibang naramdaman. "Nung hawak ko siya sa braso, parang hindi ko ma-feel yung braso niya. Parang damit lang niya ang nararamdaman ko," kuwento ni Rhea na hindi rin makapaniwala sa pagkawala ng aming kaibigan.

Masuwerte pa rin sila dahil kahit sa huling sandali ay nakasama nila si Jun B.

At ‘yun ay mananatili sa kanilang mga puso.

JUN

JUN B

NIYA

NOLAN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with