^

PSN Palaro

Pagulayan maagang nagparamdam

-
Ipinakita ng nagdedepensang kampeon na si Alex Pagulayan ang kanyang tikas at sinandalan ang kamalian ng kalabang si Roland De La Cruz tungo sa 9-8 panalo sa pagsisimula kahapon ng 2nd BSCP National Pool Championship sa Ninoy Aquino Stadium.

Tinapos ni Pagulayan ang laban nang isang safety shot sa orange 5-ball ang pumasok sa kanang corner pocket sa 17th rack upang makaungos ang Fil-Canadian sa second round.

Makakalaban ng dating world champion na si Pagulayan, na kapapanalo lamang sa Japan Open noong nakaraang linggo, sa second round si Roberto Dy na umararo ng 9-1 panalo laban kay Mike Takayama.

Bumangon naman ang Asian Games 9-Ball gold medalist na si Antonio Gabica mula sa hukay nang pawiin ang 7-8 pagkakaiwan kay Jarry Pelayo para sa 9-8 panalo.

Dalawang bola na lamang ang natitira sa mesa at ang tubong Negros na si Pelayo ang tumitira nang sumablay ito sa itim na 8-ball. Dali-daling ipinasok ito ni Gabica bago isinunod ang panghuling nine-ball upang umusad sa second round ng winner’s bracket.

Makakaharap naman ng fourth seed na si Gabica sa second round si Eduardo Villanueva na umiskor ng 9-5 panalo kay Panfilo Damuag.

Ang iba pang seeded players na nagsipanalo ay sina fifth seed Lee Van Corteza laban kay Richard Pornelosa, 9-5; 7th seed Antonio Lining laban kay Johann Choa, 9-0; 8th seed Jeffrey de Luna laban kay Rodrigo Geronimo, 9-2; 12th seed Roberto Gomez laban kay Dondon Rasalan, 9-4; 13th seed Ramil Gallego laban kay Michael Feliciano, 9-7 at 14th seed Joven Bustamante laban kay Alex Nobleza, 9-4.

Samantala, nangibabaw naman ang mga seeded players sa kababaihan na sina Rubilen Amit at Mary Anne Basas nang madaling lusutan ang unang round ng kompetisyon sa kababaihan.

Si Amit na top seed ay umani ng 9-5 panalo laban kay Ma. Mildred.

Tinalo ni Jingle David si Anna Tulauan, 9-2, habang nangibabaw si Michaela Claveria kay Jarjeleen Maldonado, 9-5, upang makasama nina Amit at Basas na nanatili sa winner’s group.

ALEX NOBLEZA

ALEX PAGULAYAN

ANNA TULAUAN

ANTONIO GABICA

KAY

LABAN

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with