"That’s the plan, and the players are trying very hard to get tickets even through the internet," wika ni national coach Chot Reyes, na may hawak ng dalawang tiket galing kay Tex Winters, assistant kay Lakers coach Phil Jackson na siyang gumawa ng triangle offense ng Chicago Bulls.
"We’re also trying to arrange a meeting with the Lakers through Tex but it will depend of course on the mood of Phil," ani Reyes.
Ang mapanood sina Steve Nash at Phoenix Suns ang talagang hinihintay ng national team. ayon kay Reyes.
"It’s not so much Kobe Bryant and the Lakers, because it’s the Suns’ game that we want to pattern ours."
Ang abalang iskedyul ng RP team ay magsisimula sa alas-7:30 ng umaga kung saan maglalakad ang Nationals mula sa Holiday Inn-Torrance patungong training center at magtatapos sa alas-7:30 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado. Ang Linggo ang off ng mga players.
Magsisimula ang araw ng Nationals sa dalawang oras na skill work kasunod ang break para sa lunch. Susundan ng dalawang oras na sesyon sa weightifting at conditioning, 60 minute skill drills at tatapusin ng dalawang oras na scrimmage sa team mula sa National Basketball Development League.