"The security is satis-factory at this point, and we hope na tuluy-tuloy na ito until the staging of the 2007 Palarong Pamban-sa," wika ni national secre-tariat chief Len Toledo sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Educa-tion (DepEd) sa Philippine National Police (PNP).
Sa 2006 Palarong Pambansa na idinaos sa Naga City, hindi lumahok ang National Capital Re-gion (NCR), Cebu at Ba-colod bunga ng problema sa seguridad.
Inaasahan ni Toledo na mapapanatag na ang kalooban ng naturang mga partisipante para sa naturang annual sports event sa Koronadal.
Bukod sa kaligtasan ng mga delegasyon, na-ging suliranin rin ng Dep-Ed ang age eligibility ng mga student/athletes kung saan isang track-ster at isang baseball player ang sinasabing di-naya ang edad ng kani-lang mga coach.
"As early as last year puspusan na ‘yung gina-wa naming implemen-tasyon ng stricter guidelines regarding the eligibility of the athletes. We already corrected our screening guidelines para hindi na mangyari ‘yung katulad noong 2006," ani Rose Domingo, chairman ng na-tional screening committee.
Labing apat na sports events ang nakalinya sa ele-mentary category, at 17 ang sa secondary division. (R. C.)