Sisimulan ni Alcano, kampeon sa world 8-ball at 9-ball championsips ay ha-harap sa Japan-based cue artists na si Ruel Esquillo sa opening round habang ang 2004 world champion na si Pagulayan ay sasabak kay Roland de la Cruz sa isa pang key match.
Ginanap ang draw ka-hapon sa harap ng mga player managers at media representatives ng tour-nament committee sa pa-mumuno ni Tournament director Mario Aquino sa Raya office sa Makati City kahapon.
Tampok din ang laban ng dalawang beterano laban sa mga sumisikat na teenagers na sina Warren Kiamco, nanalo sa da-lawang torneo sa Amerika kamakailan lamang, kontra kay Renemar David, ang 17-anyos na sumabak sa nakaraang world junior pool championship at Antonio Lining, runner-up sa naka-raang Japan Open, kontra sa 15-gulang na si Johann Choa, top performer sa qualifying tournament sa Star Billiards Center noong Huwebes at Biyernes.
Dahil sa tinamong ta-gumpay ni Alcano, binig-yan ito ng No. 1 seeding at No. 2 si Pagulayan ayon kina BSCP Chairman Yen Makabenta at Tournament Director Mario Aquino base sa rekomendasyon ng tour-nament committee na nag-rebisa sa record ng 64 pla-yers sa main draw.
Ang kumpletong lista-han ng seedings ng tor-neong hatid ng San Miguel Corporation: 1. Alcano, 2. Pagulayan, 3. Dennis Or-collo, 4. Antonio Gabica, 5. Lee Van Corteza, 6. Rodol-fo Luat, 7. Marlon Manalo, 8. Lining, 9. Jeff Bata, 10. Kiamco, 11. Gandy Valle 12. Roberto Gomez, 13. Ramil Gallego, 14. Joven Bustamante, 15. Leonardo Andam, 16. Roland Garcia. At sa kababaihan: 1. Rubi-len Amit, 2. Iris Ranola 3. Mary Ann Basas.