^

PSN Palaro

Alaska somosyo sa 2nd

-
Isang malaking tagum-pay ang naitala ng Alaska nang kanilang igupo ang mapanganib na Coca-Cola, 106-100 ngunit hindi nila ito maipagdiwang ng lubusan dahil sa pagluluk-sa hindi lamang ng Aces kundi ng buong komuni-dad ng Philippine Bas-ketball Association dahil sa pagpanaw ni dating PBA Commissioner Jun Bernardino kamakalawa.

Ang panalo ng Aces ay ikalawang sunod na nag-bigay sa kanila ng karapa-tang saluhan sa 4-1 karta-da ang walang larong Red Bull sa likod ng surpre-sang lider na Air21 na wa-la pang talo sa apat na laro sa pag-usad ng elimina-tions ng Talk N Text PBA Fiesta Conference.

Dama ang kalungku-tan ng pamilya ng PBA sa Araneta Coliseum sa pag-yao ng importanteng per-sonalidad sa liga ngunit umangat si Willie Miller na kumamada ng 13 sa kan-yang tinapos na 19-pun-tos sa ikaapat na quarter tungo sa tagumpay ng Alaska.

Doble ang dagok na nilunok ng Tigers matapos malasap ang ikalawang talo, ikatlo sa kabuuang anim na laro.

"Mr. Jun was a special person to me," ani coach Tim Cone patukoy kay Bernardino na nagpatatag sa liga sa kanyang siyam na taong paninilbihan bilang PBA Commissioner noong 1994-2003. "He was the one who selected me to be the coach of the Centennial Team in 1998. He was with me through thick and thin and I regret that I didn’t tell him that two days ago when I last saw him."

Umabante ang Alaska ng 17-puntos, 67-50 sa ikatlong quarter ngunit nagawang makadikit ng Tigers sa final canto para maging mahigpit ang la-banan.

Nakalapit ang Coke ng hanggang apat na putos, 90-94, 3:24 minuto ang nalalabing oras sa laro mula sa basket ni Ali Peek ngunit muling dumistan-siya ang Aces sa pama-magitan ni Miller.

Lumayo ang Alaska sa 101-90 kalamangan, 1:43 minuto na lamang ngunit humirit pa ang Coke sa 98-102 sa lay-up ni Leo Avenido, 30.6 segundo pa.

Kinana ni Reynel Hug-natan ang dalawang cha-rities para sa 104-98 abante ng Alaska, 18.6 tikada rito na di na natibag pa ng Tigers.

Nasayang ang 32-puntos ni Anthony John-son para sa talunang Ti-gers matapos niyang sapawan si Alaska Import Rossell Ellis na tumapos ng 18-puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang San Miguel (0-4) at Ginebra (3-1). (MAE BALBUENA)

ALASKA IMPORT ROSSELL ELLIS

ALI PEEK

ANTHONY JOHN

ARANETA COLISEUM

CENTENNIAL TEAM

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

FIESTA CONFERENCE

LEO AVENIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with