^

PSN Palaro

Komunidad ng basketball nagluksa sa pagpanaw ni Bernardino

-
Ang buong komunidad ng Philippine Basketball Association  at ng buong bas-ketball community ay naglu-luksa ngayon sa pagpanaw ng isang mahalagang tao sa liga.

Si Jun Bernardino.

Yumao na kahapon ng madaling araw ang pina-kamatagal na commissioner ng PBA na si Bernardino na nagpalakas at nagpatatag ng liga. Siya ay 59-gulang.

Dumalo kamakalawa si Bernardino sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaibigang si Moying Martelino, kung saan isa si Jun sa naghanda ng sorpresang party na ito, nang magreklamo ito ng pananakit ng tiyan.

Tatlong beses itong naglabas-pasok sa banyo ngunit hindi niya alam ay inaatake na pala ito.

Dinala si Bernardino sa Makati Medical Center at dito na siya binawian ng buhay, ala-1:30 ng umaga kahapon.

Si Bernardino ay nagsil-bing ikalimang Commis-sioner sa PBA mula 1994 hanggang 2003 bago ito pinalitan ni Noli Eala.

Nakatakda sanang maki-pagkita si Samahang Basket-bol ng Pilipinas president Manny Pangilinan kay Ber-nardino ngayon kung saan kinokonsidera ito sa puwes-tong Executive Director.

Unang inatake si Bernar-dino noong summer ng 2002 at nagsimula na itong magka-roon ng problema sa kalusu-gan kaya’t nagdesisyon itong iwanan ang liga nang sumu-nod na taon.

Iniwan ni Bernardino ang kanyang asawang si Mimi, mga anak na sina Stephanie at  Rishi, Nolan at Marga, Vera at Christine.

Ang kanyang mga labi ay nasa Chapel 4 ng St. Alphon-sus de Liguori Church sa Magallanes Village, Chapel 4.

Hinihiling ng pamilya ni Bernardino na imbes sa mga bulaklak, i-donate na lamang ito sa Kamay ni Hesus Foundation ni Fr. Joey Faller.

Si Bernardino ay naging  miyembro ng Ateneo juniors basketball team sa NCAA at University of the Philippines varsity squad sa UAAP.

Naging courtside reporter ito para sa dating PBA coveror na Vintage Sports noong dekada 80 bago ito naging PBA executive direc-tor sa ilalim ni Rudy Salud at Rey Marquez.

Matapos iwanan ang PBA, naging abala naman si Bernardino sa tinayong Sports Vision Management Group na nag-oorganisa ng V-League Volleyball tourna-ments at bumalik sa basket-ball sa pagiging commis-sioner ng NCAA para sa season 82.

Lumaki rin ang pamilya ng PBA kay Bernardino nang pumasok ang Red Bull noong 2000 at FedEx na ngayon ay Air21 na noong 2002 season. (Mae Balbuena)

BERNARDINO

EXECUTIVE DIRECTOR

HESUS FOUNDATION

JOEY FALLER

LIGUORI CHURCH

MAE BALBUENA

SI BERNARDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with