4th win puntirya ng Kings
March 25, 2007 | 12:00am
Malaking kawalan pa-ra sa Barangay Ginebra ang kanilang dalawang guwardiyang sina Mark Caguioa at Jayjay Helter-brand ngunit tila hindi ito nararamdaman ng Gin Kings.
Talo sa opening game ng Talk N Text PBA Fiesta Conference ang tropa ni coach Jong Uichico dahil nangangapa pa lamang ngunit pagkatapos niyon ay tatlong sunod na panalo ang kanilang kinubra.
Hangad ng Ginebra na dugtungan ang kanilang three-game winning streak sa pakikipagharap sa kanilang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer sa tampok na laro ngayong hapon sa Ara-neta Coliseum.
Alas-6:30 ng gabi ang sagupaan ng Beermen at Gin Kings pagkatapos ng sagupaan ng Coca-Cola at Alaska sa unang laro.
Ganap nang naga-gampanan ni Johnny Abarrientos ang puwes-tong iniwan nina Caguioa at Helterbrand at nakita ito sa nakaraang panalo ng Gin Kings kontra sa Coca-Cola noong Huwebes, 101-97.
Naging epektibo si Abarrientos na katuwang ni import Rod Nealy at ang dalawang ito ay muling aasahan ni Uichico sa pakikipagharap sa SMB na gigil nang makatikim ng panalo.
Wala pang panalo ang San Miguel sa apat na laro sanhi ng kanilang pangu-ngulelat ngunit mas lalo silang mapanganib dahil inaasahang nakapag-adjust na sila sa kanilang bagong coach na si Siot Tanquingcen at bagong import na si Paul McMillan na hindi naging magan-da ang kanilang debut sa Beermen.
Kasalukuyang kasalo ng Gin Kings ang Aces sa 3-1 kartada sa likod ng sorpresang lider na Air21 na may malinis na 4-0 record at Red Bull na may 4-1 karta.
Tulad ng Ginebra, hangad din ng Alaska na makisalo sa ikalawang puwesto sa Bulls sa tulong ni import Rossel Ellis na naging susi sa naka-raang 99-78 panalo sa Welcoat noong Miyerkules.
Makakatapat ni Ellis ang isa pa ring eksplosi-bong import na si Anthony Johnson ng Coca-Cola na nais makabawi sa kani-lang nakaraang pagka-talo.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Talk N Text (1-2) at ang Welcoat (1-3) sa Cabanatuan City. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended