Malaki ang nawalang oras kay Pacquiao
March 23, 2007 | 12:00am
Dahilan sa sandaling pagtutok sa kanyang political career, malaki ang nawala sa panahon ng paghahanda ni Filipino boxing hero Manny Pac-quiao para sa pagde-depensa niya ng kanyang international super featherweight title sa Abril 14.
Inamin kahapon ni Justin Fortune, assistant ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym, na halos nasa 75 porsi-yento pa lamang ang kondisyon ng 28-anyos na si Pacquiao.
"Manny is about 75% at this moment in time," sabi ni Fortune, magiging trainer ni "Pacman" ha-bang sinasanay naman ni Roach si world junior middleweight champion Oscar Dela Hoya sa Puerto Rico. "He should be 100% in three weeks and good to go for 12 hard rounds if need be."
Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Council (WBC) International super featherweight crown laban sa 27-anyos na si Mexi-can featherweight king Jorge Solis sa Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Hindi nakarating sa kanilang press conference kahapon si Solis na hindi agad nakakuha ng US visa at kasalukuyang na nasa US consulate pa sa Mexico para ayusin ito.
Upang makahabol kay Solis sa paghahanda, ipaparada ni Fortune bilang mga sparring part-ners ni Pacquiao sina dating WBC interim light-weight champion Jose Armando Sta. Cruz at Jorge Linares.
Isang Australian light-weight rin ang dadalhin ni Fortune sa Wild Card bilang ikatlong sparring partner ni Pacquiao, kinumpirma ang pagtakbo sa isang Congressional seat sa South Cotabato bago nagtungo sa Holly-wood, California noong nakaraang linggo.
"Manny truly loves his people and he feels that he owes it to them that he run for congress so that he can help them better," ani Bob Arum ng Top Rank Promotions. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am