^

PSN Palaro

Reynante, Espiritu, malamang makabalik sa national pool

-
Makakabalik na sa national pool sa road cycling sina Lloyd Reynante at Victor Espiritu makaraang magtapos na 1-2 sa unang serye ng trials na isinasagawa ng PhilCycling, ang national federation sa nasabing sport.

Nanguna si Reynante sa massed start at individual time trials na magkasabay ginanap sa taunang Pista ng Pag-ibig event ni Tagaytay City mayor Bambol Tolentino. Naka-ipon si Reynante ng 40 puntos habang ang pumapangalawa namang si Espiritu ay may naisubing 37 puntos.

Ang iba pang nasa top ten na nakakalapit sa national pool ay sina Lito Atilano (29 points), Baler Ravina (29), Arnel Quirimit (29), Ronnel Hualda (29), Dessi Hardin (17), Ericson Obosa (15) at Sherwin Diamsay (15).         

Habang wala naman sa listahan sina dating tour champions Santy Barnachea at Warren Davadilla. Ang dalawa ay kasalukuyang iniimbestigahan sa hindi nila pagsipot sa trials at kapag napatunayang nagkasala hindi sila makakakuha ng lisensiya sa UCI sa loob ng tatlong buwan at hindi makakasali sa anumang PhilCycling-sanctioned race.

Ipinapatupad ng PhilCycling sa pamumuno ni Bert Lina, ang four-a-year trials para sa pagpili sa road, track at mountain bike national pool members.

ARNEL QUIRIMIT

BALER RAVINA

BAMBOL TOLENTINO

BERT LINA

DESSI HARDIN

ERICSON OBOSA

LITO ATILANO

LLOYD REYNANTE

REYNANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with