^

PSN Palaro

Isa pa kay James?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kung gaganda ang performance ng Purefoods Tender Juicy Giants sa kasalukuyang Talk N Text PBA Fiesta Conference, magkakaroon ng tsansa si James Yap na makapagtala ng history sa pro league.

Kasi, sa ngayon ay pusible pa siyang magwagi muli bilang Most Valuable Player at kung magkakaganito, si Yap ang magiging ikaapat na manlalaro sa PBA na magwawagi ng MVP award nang back-to-back.

Ang unang player na nakagawa nito ay si William "Bogs" Adornado noong 1976 at 1977 habang siya ay naglalaro pa sa Crispa Redmanizers.

Matagal bago nasundan ang achievement na ito ni Adornado.

Si Alvin Patrimonio, na ngayon ay team manager na ng Purefoods, ay naging back-to-back MVP awardee noong noong 1993 at 1994.

Ang huling manlalarong naging back-to-back MVP ay si Danilo Ildefonso ng San Miguel Beer. Siya ay nagwagi noong 2000 at 2001.

Kaya ba ni Yap na pantayan ang record ng tatlong manlalarong ito?

Puwede siguro dahil tiyak namang gaganda ang kanyang statistics sa Fiesta Conference kung saan siya na ang main local player ng Purefoods matapos nitong ipahiram sa national team si Kerby Raymundo.

Kaya nga lang ay masama ang naging simula ng Giants na nakalasap ng magkasunod na pagkabigo. Kasi nga’y bukod kay Raymundo ay kulang ng dalawang big men ang Purefoods sa katauhan nina Marc Pingris at Zandro Limpot na pawang injured.

Kahit na anong galing ng import ng Purefoods ay talagang mahihirapan ang Giants na makapamayagpag.

Hindi din naman puwedeng gumawa ng 50 puntos si Yap sa bawat laro dahil sa siya ang object ng depensa ng kalaban.

Alam ng koponang makakaharap ng Purefoods na kapag napigilan si Yap, para na ring napigilan ang Giants!

Pero siyempre, umaasa si coach Paul Ryan Gregorio na kahit paano’y makakahanap sila ng paraan na magwagi at makausad kahit man lamang sa quarterfinal round.

Mahirap nga naman yung dadaan pa sila sa "wild card phase.

Kung kakayanin ni Yap na buhatin ang Purefoods tungo sa quarterfinals, "anything can happen" na sa yugtong iyon.

Sa tutoo lang, ang kasalukuyang torneo ay isang malaking hamon sa kakayahan ni Yap na patunayang siya nga ang MVP ng liga noong nakaraang season!

ADORNADO

CRISPA REDMANIZERS

DANILO ILDEFONSO

FIESTA CONFERENCE

JAMES YAP

KASI

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with