^

PSN Palaro

Unanimous decision, hindi kay Peñalosa kundi kay Ponce De Leon

-
Halos buong laban hinanap ni Filipino challenger Gerry Peñalosa ang pagkakataon para sa isang knock-out. Ngunit hindi na ito dumating pa. At sa halip, patuloy na ipinutong ni Mexican Daniel Ponce De Leon sa kanyang ulo ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title.

Sa likod ng ibinato niyang 1,399 punches, nakuha ng 26-anyos na si Ponce De Leon ang isang unanimous decision laban sa 34-anyos na si Peñalosa para mapanatili ang kanyang WBO super bantamweight title kahapon sa Mandalay Bay Events Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa kabila naman ng kanyang matipid na 481 punches, karamihan rito ay pawang mga right hook laban kay Ponce De Leon, hindi pa rin inasahan ni Peñalosa na mabibigo siyang makuha ang naturang korona.

"Talagang disappointed ako sa naging resulta sa score cards. Kasi alam ko mas maganda ‘yung mga tama ko kay Ponce De Leon," sabi ni Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC) at nagplano nang magretiro ngayong taon. "Pero kung bibigyan nila ako ng rematch, tatanggapin ko." 

Nang ihayag ni ring announcer Michael Buffer ang 119-109, 119-109 at 120-108 unanimous decision para kay Ponce De Leon, marami ang bumuska.

‘’It was a very tough fight,’’ sabi naman ni Ponce De Leon para sa kanyang ika-apat na matagumpay na pag-dedepensa ng kanyang WBO super bantamweight belt tungo sa pag-angat sa 31-1 win-loss record. ÃƒÂ¢Ã¢â€šÂ¬Ã¢â€žÂ¢ÃƒÂ¢Ã¢â€šÂ¬Ã¢â€žÂ¢I feel I hurt him, but he has such great conditioning.’’

Pinuntirya ni Ponce De Leon ang bodega ni Peñalosa, may 51-6-2 win-loss-draw record kabilang ang 35 KOs, sa sumunod na limang rounds na nagpabalam ng atake ng tubong Cebu.

Kung kabiguan ang natikman ni Peñalosa, tagumpay naman ang nakamit ni Filipino flyweight Diosdado "The Prince" Gabi matapos pabagsakin si Antonio Cochero ng Columbia sa second round.

Pinaganda ni Gabi ang kanyang kartada sa 29-3-1, na may 21 KOs. (RCadayona)

ANTONIO COCHERO

GERRY PE

LAS VEGAS

LEON

MANDALAY BAY EVENTS ARENA

MEXICAN DANIEL PONCE DE LEON

PONCE DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with