Barrera o Marquez?
March 18, 2007 | 12:00am
Matapos ang ginawa ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao noong Nobyembre ng 2003, umaasa rin si Juan Manuel Marquez na mapapabagsak niya si Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera.
"A lot of people dream of knocking out Barrera. That’s all it is - a dream,’’ sabi ng 33-anyos na si Marquez sa nakatakda nilang upakan ni Barrera para sa world super featherweight championship ngayon sa Mandalay Bay Arena sa Las Vegas, Nevada.
Idedepensa ng 33-anyos na si Barrera, nagbabandera ng 63-4-2 win-loss-draw ring record tampok ang 42 knockouts, ang kanyang suot na World Boxing Council (WBC) super featherweight crown laban kay Marquez, may 46-3-1 (35 KOs). Ang laban kay Marquez ang sinasabi ni Barrera na isa sa dalawa niyang huling laban bago magretiro.
Ang huli, ayon sa tinaguriang "The Baby Faced-Assasin", ay kay Pacquiao, tumalo sa kanya noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas para sa "People’s Featherweight Championship".
Handa naman si Marquez, nakaiskor ng split kay Pacquiao sa kanilang featherweight fight noong Mayo ng 2004 sa Las Vegas, sa anumang estratehiya na gagamitin ni Barrera.
"I’m going to be very strong. I’m very concentrated on this fight and ready to win. If Barrera wants to box, I will box him. If Barrera wants to exchange, I will exchange. Whatever he brings to the table, I will do it,’’ sabi ni Marquez.
Ibibilang ni Barrera si Marquez sa mga pamoso at bigatin niyang mga nakalaban sa kanyang makulay na boxing career, kabilang na rito sina Pacquiao, Erik Morales at Rocky Juarez."I can’t be the old Barrera," wika ni Barrera sa kanyang pagiging brawler. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended