Dragons susukatan ng Gin Kings
March 16, 2007 | 12:00am
Sa apat na koponang maglalaro ngayon, ang Welcoat lang ang may ipagmamalaking panalo.
Nagkaroon ng marka ang win column ng Dra-gons sa pamamagitan ng 114-104 panalo laban sa Sta. Lucia na bumura sa kanilang 78-81 pagkatalo sa Coca-Cola sa kanilang debut game.
Hangad nilang masun-dan ito sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum kung saan makakasagupa nila ang Barangay Ginebra na nais makabawi sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game sa alas-7:20 ng gabing sagupaan.
Matapos koronahan bilang champion ng Talk N Text PBA Philippine Cup, nilagok ng Gin Kings na nawalan ng Mark Caguioa at Jayjay Helter-brand na ipina-hiram sa national team, ang 98-100 pagkatalo sa Alaska noong Sabado.
Nagpamalas ng im-presibong laro si import Rod Nealy na tumapos ng 31-puntos ngunit kinapos ito sa suporta ng locals at inaasahang babawi sina Rudy Hatfield, Erik Menk, Sunday Salvacion, Ro-nald Tubid at Johnny Abarrientos.
Ngunit inaasahang tu-tukan ang match-up ng dalawang im-port na si Nealy at Charles Clark ng Express.
Sa unang laro, alas-4:35 ng hapon, sisikapin naman ng Sta. Lucia at Purefoods na makaba-ngon sa kani-kanilang dalawang sunod na talo.
Ang Realtors, TJ Giants at walang larong SMBeer ay pare-pare-hong baon sa 0-2 kartada sa likod ng Red Bull, Alaska at Air21 na mag-kakasalo sa 2-0 record kasunod ang Coca Cola na may 2-1 kartada, Dragons at Talk N Text na tabla sa 1-1 at ang Gin King sa 0-2.
Ngunit kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Red Bull sa Olivares Gym habang sinu-sulat ang balitang ito kaya ang ma-nanalo ay si-yang haha-wak ng solong pamumuno at ang matatalo ay makakatabla ng Tigers.
Samantala, pumasa na sa height ceiling ang bagong import ng San Miguel na si Paul McMillan na nasukatan sa taas na 6’5 1/6.
Si McMillan ang papalit kay Vidal Massiah na walang ibinatbat sanhi ng dalawang sunod na talo ng San Miguel.
Samantala, pangu-ngunahan nina Manny Paner at batikang Americ-an coach na si Ron Jacobs ang 14 na nomi-nado para sa PBA Hall of Famers na pararangalan sa Abril 8.
Ang iba pang nomina-do ay sina Danilo Floren-cio, Alberto Guidaben, Alfredo Hubalde at Ricardo Brown, imports Norman Black at Glenn McDonald, television commentators Romy Kintanar at Pinggoy Peng-son, coach Dante Silverio Domingo Itchon, founding president ng liga, Antonio ‘Tony’ Siddayao, dean ng Philippine sportswriters, former ambassador Eduardo ‘Danding’ Co-juangco. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended