Ayon kay PBA Commissioner Noli Eala, wala na siyang nakikitang susunod sa kaso ng 5-foot-10 na si Compton na pinayagan ng PBA Board na maging second import ng baguhang Welcoat Paints para sa 2007 Fiesta Conference.
"As far as the precedent-setting is concerned, I think that’s the least of our problem. Alex’s situation is also unique and I don’t think there will be too many Alex Compton in the future," ani Eala kay Compton. "Everything will again be taken on a case to case basis. Alex’s stint will only limited for the 2007 Fiesta Conference."
Katulad ng mga imports ngayon sa 2007 PBA Fiesta Conference, dumaan rin sa proseso ang 33-anyos na si Compton, sumabak sa PBL para Montana Pawnshop, para makalaro sa professional league.
Kumuha ang American native ng working visa mula sa Bureau of Immigration (BI) at lisensya mula sa Games and Amusement Board (GAB) na ordinaryong ginagawa ng mga reinforcement sa PBA.
"He will be required as all other imports in the PBA as required to go through. Like acquiring working visa from the Bureau of Immigration and license from GAB," wika ni Eala.
Bago payagang maging second import ng Dragons, nagsilbi muna si Compton, produkto ng St. Joseph High School at ng Cornell University sa United States, bilang assistant coach ni Leo Austria.
Si Compton, ang mga magulang ay parehong Amerikano, ay ipinanganak sa Makati Medical Center noong Marso 16, 1974.
Tumulong si Compton, ilang beses nang nagtangkang mapasali sa PBA Draft, sa Manila Metrostars ni Louie Alas sa paghahari sa 1999 MBA National Finals at sa Batangas Blades noong 2001. (RCadayona)