Peñalosa, De Leon nagkasukatan
March 12, 2007 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaharap ng personal sina Filipino challenger Gerry Peñalosa at Mexican world super flyweight champion Daniel Ponce De Leon.
Ayon sa 34-anyos na si Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), kumpiyansa siyang maaagaw ang hawak na World Boxing Organization (WBO) title ng 26-anyos na si Ponce De Leon.
"Okay lang naman ang kondisyon ko. Ito na siguro ang pinakamaganda kong kondisyon sapul nang mag-champion ako sa WBC," sambit ng pambato ng Cebu City.
Ang banggaan nina Peñalosa at Ponce De Leon ay magsisilbing supporting bout sa world super featherweight championship ng kampeong si Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ipagtatanggol ng 33-anyos na si Barrera, tinalo ni Manny Pacquiao sa kanilang "People’s Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas, ang kanyang WBC crown laban kay Marquez.
Iaakyat ni Peñalosa sa lona ang kanyang 51-5-2 win-loss-draw ring record kasama na rito ang 34 knockouts, samantalang ibinabandera naman ni Ponce De Leon ang kanyang 30-1 (28 KOs).
Hangad ni Peñalosa na maagaw ang naturang titulo ni Ponce De Leon para sa sinasabi niyang huling baraha bago siya magretiro.
Nakuha ni Ponce De Leon ang WBO super flyweight belt noong Oktubre 29 ng 2005 matapos talunin si Sod Looknong-yangtoy bago ito maidepensa laban kay Al Seeger noong Oktubre 21 ng 2006. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended