^

PSN Palaro

Welcoat may aasahan kay Ibañes

-
Sanay na dumipensa si Jireh Ibañes ngunit kaya rin niyang umiskor.

Ipinakita niya ito kagabi nang pagbidahan nito ang 114-104 panalo ng Welcoat Paints laban sa tournament favorite na Sta. Lucia Realty sa pag-usad ng 2007 PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum.

Sa buong career ng defensive expert na si Ibañes, ngayon lamang ito umiskor ng mahigit 20-puntos sa kanyang career-high na 25 puntos, 16 rito ay sa second half.

"Actually, first time akong makaiskor ng above 20 points kasi since college talagang puro depensa lang ako," sabi ng 24-anyos na produkto ng UP Fighting Maroons sa UAAP at Granny Goose sa PBL. "Sabi lang ni coach (Leo Austria) kapag open ako, take it. Fortunately, nakakalibre ako."

Ang panalong ito ay bumura sa kanilang 79-81 pagkakasilat sa kanilang opening game laban sa Coca-Cola para sa 1-1 panalo-talo habang ang early tournament favorite na Realtors ay lumasap ng kanilang ikalawang sunod na talo.

Nakalayo ang Welcoat ng hanggang 25-puntos, 84-59, 3:43 minuto ang natitira sa ikatlong quarter ngunit nagawang makahabol ng Sta. Lucia sa ikaapat na canto.

Dumikit ang Realtors sa 97-105 papasok sa huling 1:50 oras na lamang.

Ngunit mabilis namang nakalayo ang Welcoat sa tulong nina import Charles Clark na umiskor ng jumper at Denver Lopez na nagtala ng tatlong freethrows para sa 111-102 iskor.

"I’m happy na nanalo kami but at the same time dapat hindi kami magkumpiyansa kapag nakalamang kami ng malaki," wika ni Austria.

Pinangunahan ni Clark ang Dragons sa pagkolekta ng 37-puntos 7-rebounds, 6-assists, 2-steals at 2 shotblocks.

Habang sinusulat ito ay kasalukuyan namang naglalaro ang Barangay Ginebra sa kanilang debut game sa kumperensiyang ito at Alaska na tangka ang ikalawang sunod na panalo. (MBalbuena)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CHARLES CLARK

DENVER LOPEZ

FIESTA CUP

FIGHTING MAROONS

GRANNY GOOSE

JIREH IBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with