Bagama’t mahina ang naging simula ni Alcano ay nagawa niyang maitabla ang laro sa 2 all ng manalo sa 4th frame.
Dahil sa natamong tagumpay, ibinulsa ni Alcano ang pangunahing premyong $25,000, habang ang runner-up na si Orcollo ay tumanggap ng $12,500. Nakadale naman ang losing semifinalist na si Joven Bustamante ng $6,250.
Bago makapasok sa finals, kinailangan munang idispatsa ni Orcollo ang overseas Filipino worker na si Bustamante 10-5 sa semifinal round para maipuwersa ang all-Filipino finals kay Alcano, na nanaig kay Niels Feijen, 10-4 ng Netherlands noong Miyerkules ng gabi.
Si Alcano, runner-up finish sa Korean 9-ball Open sa Incheon, Korea noong nakaraang buwan ay sinundan ang yapak at achievements ni Wu Chia-ching ng Chinese- Taipei na hinirang na 8-ball at 9-ball winner noong 2005.